PS5: City Lights

35 8 1
                                        

Hindi nanaman ako pumasok sa Calculus namin dahil ayoko syang makita.

Nagsusulat lang ako sa may tinatambayan ko na bench.

Hanggang sa may nakita akong cheesecake sa harapan ko. As in yung cheese cake na hindi cake. Yung nakabalot na nabibili sa supermarket. Favorite ko talaga yun kaya napangiti ako. Pero sa hindi ko inaasahang tao nakitang hawak iyon.

Pag-angat ko ng ulo, si KR.

"Sorry."

"Ayoko nyan." Sabay iwas ko ng tingin.

Ngayon ayoko na ng cheese cake. Joke! Gusto ko talagang kunin at kainin kaso badtrip ako sa may hawak.

"Okay sige. Iba nalang. Ano pa bang favorite mo? Yung hindi kana mandidiri."

Lalo pa nyang pinaalala. Nakaka-inis na talaga.

"Wala. Umalis ka lang dyan sa harapan ko. Okay na ako."

Tumalikod na sya..

Tapos humarap ulit.

Sumayaw na sya ng sumayaw ng kung ano ano na parang tanga.

"Kahit magkabali bali pa yang katawan mo."

Sabay tingin ko ulit sa sinusulat ko.

Kumanta sya. Kinanta nya lahat ng paborito kong kanta.

Pano kaya nya nalaman yun?

Nako Heather! Malilintikan ka sakin!

"Kahit mamaos ka pa dyan."

Sabi ko habang nakatingin sa sinusulat ko.

Napapangiti ako ng konti lalo na nung sinabay nya yung kanta sa sinasayaw nya na parang tinugma. Mukang tanga sya promise. Ang baduy nya.

Pero pinipigilan ko yung sarili ko dahil ayaw kong makita nyang napapa-ngiti nya ako. Umalis na lang ako don para maka-iwas sa pagpipigil ng pag-ngiti ko.

"Huy Mcxyn. Sorry na talaga. Alam ko namang below the belt na yung ginawa ko sayo. Sorry na. Sorry na talaga." Hinawakan nya pa ang braso ko.

Iniwas ko ang braso ko sa pagkakahawak nya, "Sorry mo muka mo." Umismid ako.

"Huy! Ano bang gusto mong gawin ko?"

"Lubayan mo ako." Sabi ko nang nakaiwas ng tingin.

"Nagsosorry nga ako tapos lulubayan naman kita? Ano yun."

Tiningnan ko sya ng masama, "Basta lubayan mo ako. Tantanan mo ako baka, baka lang naman. Mapatawad kita."

"Hmm.. okay." Ay ambilis kausap?

Tinalikuran naman agad nya ako! Wala talagang kwentang lalaki to!

Hinayaan ko lang syang umalis. Bahala sya sa buhay nya. Ako pa talaga tinakot nya ah!

Pag-uwi ko kinausap ko agad si Heather.

"Heath.."

Ngiting-ngiti sya sa akin. "Ow. Cousy. First time mo ata dito sa kwarto ko."

Oo nga no! First time ko nga dito no. In fairness ang bango ng kwarto nya. Muka talagang kwarto ng dalaga na maganda. Bagay na bagay sa kanya.

Wag nyo na tanungin yung kwarto ko. Sapat na ang okay lang.

"Gusto ko lang sana mag-sorry sayo kagabi dahil sa hindi kita pinansin." Sabi ko at umupo sa kama nyang pambabaeng-pambabae.

"Anong sabi sayo ni KR?" abot tenga ang ngiti nya sa tanong ko.

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon