Pumasok ako kahit na nagwawala ang puso ko sa kaayawang pumasok.
At sa napakawalang hiyang pagkakataon. Nagkasalubong parin kami ni KR. Nagkatinginan lang kami pero mas una akong umiwas ng tingin. Ayoko kasing makita ang expression ng muka nyang nagpapakita ng walang pagka-gusto saking makita ako o makausap.
Kapag ka lasing ka. Nasasabi mo lang pero hindi mo nararamdaman kaya naman nag-inom ulit ako.
Habang umiinom ako may biglang nagsalita sa tabi ko.
"Hilig mong uminom ah."
Umiikot ang paningin kong tumingin sa kanya.
"Do you... know me?"
Natawa sya ng konti saka nagsalita ulit.
"As far as I know, we both know each other at ikaw yung babaeng wasak na humuhugot."
Ay oh! Judgemental si Kuya.
"Broken lang ako." Umiwas ako ng tingin at nilagok agad ang drinks na nasa harapan ko.
"Halata naman."
"Parang kasing tanga..." Nagsimula na akong umiyak.
At nag-kwento na ko syempre. Hindi nyo ako mapipigilan.
"Bakit ganyan kayong mga lalaki no? You treat girls like just some toy you want to play with.. and if you're done playing with us. Umaalis na lang kayo basta basta at naiiwan kaming wasak na wasak." Nakapangalumbaba ako habang tuloy-tuloypa ring lumalandas ang luha sa pisngi ko.
"Hindi naman lahat ganon. I don't do things like that." Sabi nya at saka ininom ng mabilis ang drinks nya.
Natawa ako, "Kelan ka naging iba? Hindi ako na-inform."
"Hindi mo na ako kilala, kaya mo muna ako husgahan."
"Ah talaga." Natawa ulit ako.
"Maybe.. yung lalaking nanakit sayo hindi pa sya masyadong sure sa nararamdaman nya sayo kaya imbis na pagpatuloy parin nya ang panliligaw, umayaw nalang muna sya."
"Ah ganon! Diba dapat bago kayo manligaw sure muna kayo sa nararamdaman nyo?" tiningnan ko sya, inintay ko ang alibi nya.
"Nagbabago naman lagi ang pananaw natin sa buhay, diba? Like you.. kwento mo nga sakin halos isumpa mo sya dahil wala syang kwenta, but you end up loving him and now you're broken because of him. Minsan intindihin mo din.."Ang dami nyang alam! Hilong-hilo na ako.
"Sana tong alak, pang habambuhay ang bisa no. Sana ganun nalang kadali ang lahat."
Akala nyo matino akong kausap. Na kahit hilong-hilo ako behave ako. Hindi!
Tiningnan ko sya at hinigit ko ang kamay nya, "Sayaw nalang tayo!"
"No. I don't dance." Pigil nya sa akin.
"Well I do. Tara na!!!" Syempre napilit ko sya.
Whooowwwwww! Sayaw na ako ng sayaw doon samantalang sya parang tuod na nakatingin lang sa akin.
Sa kalagitnaan ng sayaw, nakuha na rin nyang gumalaw."I'll just buy some drinks!"
E lasing na din sya! May hawak na kaya syang drinks!
"May hawak ka na!"
"Whaaaat?"
"May.. h-a-w-a-k ka n-aaaaa!" sigaw ko.
Humindi lang sya at dumiretsyo na sa bartender.
Pagbalik nya may dala syang mga big drinks nanaman.
Shoooott!
Whuuuooowwww!
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?