Bumalik sa dati ang relasyon namin ni KR, tumigil muna sya sa pagsosoccer at nag-focus sakin at sa pag-aaral nya.
"Eto na! Eto na ang list ng mga Cumlaude ngayon!" excited kaming dalawa na makita ang pangalan nya sa bulletin board.
At dahil matalino talaga ang pinaka-gwapo kong boyfriend ay,
*AQUINO, KHRISTOPHER ROCCO E. ( MAGNA CUMLAUDE )*
Nagtatatalon na kami doon pareho para na kaming tanga! Hindi ko na makita ang mga mata nya sa sobrang pag-ngiti nya. Ang saya saya nya.
Habang kumakain kami para mag-celebrate ay bigla ko nalang napansing tinititigan nya akong mabuti.
"Ano ba yan, KR. Wag mo nga akong titigan. Baka mangisay ako dito, magsisi ka." Sita ko sa kanya at tinakpan ng palad ang muka ko.
Natawa naman sya at proud na proud nanamang mahihimatay ako sa kagwapuhan nya. Hambog talaga 'to!
Maya-maya pa ay may inabot sya sakin na isang clear glass bottle na may papel sa loob tapos may takip na kagaya sa wine.
"Ano to? Message in a bottle?" natatawa pa ako pero seryoso sya.
"Buksan mo dali." Excited sya at nakatingin sa hawak kong bote.
Kumunot ang noo ko pero binuksan ko parin.
Dear Love,
Happy first anniversary. sorry for being such a jerk. And I'm sorry for giving you this, so late. Natagalan kasi ako sa pagsusulat nito. Sa totoo ang wala akong masulat na maganda para sayo, hindi naman ako magaling sa ganito. Ang alam ko lang....
Mahal kita, Mcx. Sobra.
K.
Wala akong masabi nang mabasa ko yun. Speechless ako, parang sasabog ang ulo ko sa kilig. Yung puso ko grabe na ang tibok, tipong hindi titigil ang paghuhuramentado ng puso ko.
"Ibibigay ko yan dapat sayo nung pumunta ako sa bahay nyo, kaso nagalit ka na."
"Bakit hindi mo binigay?" malungkot ko syang tiningnan. Kung binigay nya 'to nung araw ng anniversary namin malamang ay hindi kami naghiwalay.
"Natakot ako. Baka masaktan lang ako kapag hindi mo tinanggap."
Agad kong hinawakan ang kamay nya. "KR, no. Iniintay ko lang talaga nun na may sabihin ka, o gawin ka na makakapagpaalis ng sama ng loob ko. Na hindi naman puro sorry lang. Kung narinig ko nga lang na sabihin mo nun na mahal mo ako hindi naman kita hihiwalayan e."
"Hindi na ako nakapagsalita Mcx. Ang sama sama na ng loob mo sakin nun. Feeling ko kapag may sinabi pa ako na kahit ano ay lalo ka lang magagalit."
"Kaya ako nagalit kasi inuna mo nanaman ang mga ka-teamates mo nun. Ang soccer."
Kumunot ang noo nya, "Hindi ko sila kasama nun Mcx, may tinapos akong papers para sa literature ko nun. Lahat kami ng mga kaklase ko sa lit ay puyat dahil biglaan kailangan namin tapusin yung akala namin next 2 months pa ipapasa. Pero aalis na daw yung prof namin at kailangan na namin tapusin on that day. Super wrong timing alam ko, kaso hindi ko pwedeng pabayaan, grades ko kapalit nun." Masusing pagpapaliwanag nya.
My God! Hindi ko naman alam na ganun pala. Sh*t sorry. Ang tanga ko talaga. Hindi ko nga pala sya hinayaan na magpaliwanag nun. Uminit na kasi ang ulo ko at sumabog na yung matagal ko nang gustong sabihin sa kanya.
"Hindi ko alam na ganun pala, K. Sorry."
Ngumiti lang sya. "Okay lang. Alam ko rin naman na sobra na talaga ako nun kaya hinayaan nalang kita. Sorry talaga Babe ah.""Habang buhay ko 'tong ite-treasure." Sabi ko sabay tingin sa bote at niyakap pa ito. "Itatabi ko to sa pagtulog." Sabi ko ulit.
"Hindi ba pwedeng ako nalang katabi mo?"
ANO BA?! Kahit itapon na yung bote basta ikaw kapalit, kery!
Hindi ako nakaimik kaya natawa sya. Hindi nya alam, mas okay sakin yung sinabi nya.
Mas tuwang-tuwa pa si Mama na Magna Cumlaude si KR kaysa sa akin na gagraduate din naman, siguro hindi talaga ako anak ng nanay ko.
Nakangiwi lang ako habang nagluluto sya ng maraming ulam para sa maagang celebration dito sa bahay. After graduation kasi uuwi si KR sa Mindoro.Dumating ang graduation at nandun ang buong family ni KR, hiyang-hiya naman ako sa kanila pero love na love nila ako (Savhe!?) at kung maka-beso naman ang Mama ko sa Mama ni KR parang nakakita ng gintong kaibigan. Parang hindi si Mama. At agad namang nayaya ng Papa ni KR si Papa na mag-inom sa bahay namin. Sabay din namin grumaduate si Savino at next year pa si Dyosa dahil nga tumigil sya dahil kay Baby Hershel. Kaya super bongga ng celebration.
Habang happy happy sila sa bahay kami naman ni KR nasa lugar kung san ako ako dinala dati na kitang-kita ang city lights.
"Babe, thank you ah." Napalingon ako sa kanya. "Bakit?"
Hinalikan nya agad ako bago sagutin ang tanong ko. Ano ba yan! Walang ganyanan KR!
"Gusto ko lang mag-thank you kasi kahit na nahirapan ka sakin ay nandya ka parin." nginitian ko lang sya at hinalikan din, hindi naman pwedeng sya lang ang magnanakaw ng halik. Dapat fair. "Kaya lagi mo kong susundin, ha?" tumawa sya saka tumango-tango.
Nang makakuha na kami pareho ng trabaho dun kami tumira sa condo ko. Hindi pa kami kasal o engaged gusto ko lang talaga magkasama kami sa bahay. Ayoko na kasing dun sya tumuloy sa dati nyang apartment. Pinag-awayan pa namin iyon dahil masyadong conservative kuno si KR pero napapayag ko rin sya.
"Dito ko ba ilalagay 'to Babe?" tanong nya habang hawak ang malaking picture namin nung graduation.
"Sige Babe, itagilid mo pa ng konti. Ayan ayan sige kery na!"
Tumalon sya mula sa upuan na tinungtungan nya at tumabi sakin at inakbayan ako. Bumulong sya sakin, "Sa susunod, wedding picture naman natin ang nandyan." Napatingin ako sa kanya habang sya naman ay minumustra na kung gano kalaki ang gusto nyang wedding picture.
Tumingin din sya sakin at ngumiti nanaman ng nakakalokong ngiti, "Yung kama naman ayusin natin." Kinindatan nya pa ako pagkatapos sabihin iyon.
Agad na namula ang pisngi ko at tiningnan ko sya ng masama. "Baluga!" sigaw ko at tumawa lang ng tumawa si Gago!
Nagising ako at naabutan ko syang nagluluto ng umagahan na naka-apron lang walang t-shirt.
Tulala nanaman ang ate mo girl. Nagpapaypay naman ako gamit ang kamay ko. "Oh Babe? Nainitan ka pa? Ang lakas na ng aircon ah."
Wow ha! Sya pa talaga nagsabi nyan, sino kaya ang hubad saming dalawa?
"E-eh b-bakit na-naman kasi hin-hindi ka nakat-shirt!" Tumalikod ako at nagpatuloy sa pagpapaypay. Grabe! Sobrang hot ng condo na 'to ah!
"Gusto mong tikman?"
Nanlaki ang mga mata ko at nilingon sya. Ano ba yan, KR! Dirty talk ah! Ang aga aga kaya!
"Ang alin?" tanong ko at ang taksil kong mata ay napalingon nanaman sa mga abs nyang malulutong. Chems!
Ngumiti sya ng one sided smile kaya naman iniwas ko agad ang tingin ko. Unti-unti syang lumapit sa akin kaya napa-atras ako.
"Anong gagawin mo?" tanong ko habang umaatras. "Wala naman akong gagawin na ayaw mo e." tuloy pa rin ang paglapit nya.
"Ano?" tanong ko na may namamaos maos pang boses.
Hanggang sa nakalapit sya sa akin at napataob naman ako mula sa likuran ng couch. Tumawa na sya ng tumawa saka ako tinulungan tumayo. "Gusto ko lang naman tikman mo yung niluluto ko. Kung ano ano na kasi mga iniisip mo e." Sinamaan ko lang sya ng tingin pero sa totoo lang nahihiya ako sa mga pinag-iisip ko.
BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?