PS22: Totoo

24 5 0
                                    

Wala akong nasabi na kahit na ano kay Marco. Parang may nakabara sa lalamunan ko na pinipilit kong lunukin. Na alam ko kapag hindi ko nalunok ay babagsak nalang ang mga luha na pinipigilan ko.

Ang sikip ng dibdib ko. Ang daming mga salita ang bumabalot sa utak ko. Sa sobrang dami nila walang malinaw na salita akong maisip.

Napansin ni Marco na nanahimik ako hanggang sa makapasok kami sa lobby ng hotel na alam kong kapag inangat ni KR ang tingin nya ay makikita nya ako.

"Mcxyn? Are you really okay?" tanong nya at hinawakan ang kamay ko.

Nilingon ko sya ng dahan-dahan.

"O-okay lang.. ako." Sabi ko pero ng magtagpo ang mga mata namin at makita ko ang pag-aalala sa mga mata nya. Na parang pilit paring inaalam kung ayos lang ba talaga ko.

Bumagsak ang mga luhang kaninang-kanina ko pa gustong ibuhos! Taksil talaga tong luha ko!

"Okay lang ako. Okay lang. Okay lang talaga ako." Sabi ko ng paulit-ulit habang niyayakap na nya ako at iyak na ako ng iyak.

Nakakahiya! #@#@#@ puso 'to!

Biglang may humigit sakin at kahit malabo na ang paningin ko. Nakita ko pang itinulak nya si Marco.

Nagsamaan sila ng tingin, alam ko namang hindi papatulan ni Marco si KR kaya imbis na magsuntukan sila ay lumapit pa si Marco sakin.

Basang-basa parin ng luha ang muka ko pero medyo tumahan na ako dahil sa ginawa ni KR.

Lalong kumunot ang noo ni KR ng makitang hinaharap ako ng Marco at pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

"Gago!"

Hinarap nya si Marco at sinuntok na nya sa muka.

Ang lungkot sa muka ko ay napalitan ng galit. Nilapitan ko agad si Marco na halos mapaupo sa lakas ng suntok ni KR. Nahilo siguro sya.

"Ano ba, KR!" Sinamaan ko sya ng tingin at nakita ko si Agatha sa may pintuan ng restaurant ng hotel na nakatingin samin.

Tiningnan ako ni KR saka nya kinuha ang kamay ko at hinigit palayo doon.

Kumakawala ako dahil naiinis ako sa inaasta nya at isa pa alam kong naguguluhan si Marco sa mga nangyayari at kung bakit bigla nalang syang sinuntok ng hinayupak na 'to!

"KR! Ano bang problema mo? Bakit bigla bigla ka nalang nanununtok ha?!" bulyaw ko sa kanya.

Hindi sya nagsasalita at tuloy-tuloy lang nya akong hinihigit.

Namiss ko 'to! Etong higitan portion na 'to!

Namiss ko sya! Kahit nakaka-bwisit sya. Namiss ko sya!

Gusto ko tumigil na sya sa paglalakad at yakapin ko nalang sya!

TSK! ANO BA YAN MCXYN!

Diba galit ka?! Panindigan mo yan!

Wag kang maarte!

Isang linggo ka dineadma ng lalaking yan!

Kakaiyak mo palang kanina diba? Dahil magka-usap sila ng ex nya!

"KR! Bitawan mo nga ako!"

Binitawan nya ako. Malayo na kami sa hotel at sa maraming mga tao.

Nakatalikod sya sakin at nakapamewang. Humihinga ng malalalim.

"Hoy! Ano?!" sigaw ko.

Humarap sya sakin nang nakakunot ang noo, "Sino yun?"

Lalong kumunot din ang noo ko.

Makapagtanong 'to! Akala mo malinis!

"Sino rin yung kasama mong babae?"

"Si Agatha yun." Agad nyang sagot.

"Ngayon. Sino yung lalaki?" Walang pakundangan nyang dugtong.

"Si Marco yun." Mabilis ko ring sagot.

"Boyfriend mo?!"

ANO? ANONG TINGIN MO SAKIN?! AFTER 1 WEEK NAKAHANAP NA AGAD NG KAPALIT! Ganun ka easy to get?!

"No!"

"Ah talaga lang. Kaya pala may pagyakap yakap sya sayo sa public at may pagpunas punas pa ng luha mo. Ano? LQ kayo?"

Siraulong 'to ah!

"Wala kang pake!"

Ayokong sabihing dahil sa kanya kaya ako umiiyak at dahil sa kanya kaya napayakap ako kay Marco.

"Ikaw nga e ang ganda ganda ng usap nyo ni Agatha ang sweet sweet nyo. Siguro nagka-ayos na kayo no? Kayo na ulit? Edi tama nga ako sa sinabi ko sayo nung nakaraang linggo. Nagdedeny ka pa. O pinake-elamanan ko ba kayo? Hindi diba?"

Halos iisa na lang ang kilay nya sa galit sa mga sinasabi ko, "Ano ba yang mga pinagsasabi mo Mcxyn?! Lagi ka nalang ganyan. Kung ano ano ang mga pinapaniwalaan ng isip mo! Ayaw mong alamin yung totoo. Hindi yung nag-iisip ka nalang ng kwento."

Ang tagal kong nakasagot!

So ako pa ang may mali dito?

Sino ba yung mukang mahal pa ang ex nya?

Sino bang may ex dito ha?! Sino!

"Sige nga KR! Ano ang totoo?"

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon