PS34: Sayang

21 4 0
                                        

Dito na ako kakain sa apartment nya. Sabado naman ngayon at alam ko maaga umaalis ng bahay si Mama kaya hindi nya mapapansing wala ako.

Hindi naman ako naglalalabas ng kwarto ko kapag Sabado kaya malabo labo akong hanapin ng mga tao sa bahay.

Eh! Sadyang ayoko pang umuwi. Gusto ko dito muna kay KR.

Ipinagluto nya ako ng Caldereta. Nakakaloka. Dalawa lang kami pero espesyal. Halata namang masyado nya akong namiss.

Sabe?!

"Sarap?" Tanong nya.

"Umm umm." Sabi ng damuhong si Ako sabay ngiti. Pano pinuno ko agad ang bibig ko ng pagkain.

Umupo sya sa katapat kong upuan at pinagmamasdan ako sa katakawan ko. Pangiti ngiti sya.

Ano nanaman kaya ang nasa isip nito?

Siguro nasa isip nya. Sa yaman kong ito parang ngayon lang ako makakakain.

Haler! Hapon na kaya! Hindi kaya ako nag-breakfast at lunch.

"Hmm. Alam mo?" Sabi nya nang nakapangalumbaba.

"Ano?" Tanong ko ng puno-puno ulit ang bibig.

"May... may masarap din akong natikman kagabi." Sabi nya sabay ngiting aso.

Nabulunan naman agad ako!

&%$#@! Naaalala pala nya yung nangyari kaninang madaling araw!

Umubo na ako ng umubo. Nataranta naman sya at kumuha agad ng tubig.

"Ayan kasi. Sabay sabay kung isubo." Sita nya na lalong nagpasamid sa akin.

&%$#@! Lalo akong inubo kahit na umiinom na ako ng tubig.

Dumiretsyo na ako sa lababo bago ko pa maibulwak tong laman ng bibig ko sa muka nya.

Tinapik tapik naman nya yung likod ko.

Napalayo agad ako. Para kasi akong nakuryente.

Teka! Wag muna nya akong hawakan, pwede?

"Bakit ba?" Tanong nya.

"Wala. Wag ka muna magulo. Umupo ka muna dun, please." Sabi ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya ulit at bumalik na sa pagkaka-upo sa dining area.

Hinilamusan ko ulit yung pagmumuka ko para mawala itong kamanyakan sa utak ko! &%$#@!! Kababae kong tao. Balasubas ako!

"Uy, baka naman mabura na yung muka mo nyan." Sabi nya ng mapansing kinuskos ko na ng kinuskos yung muka ko.

Agad kong tinigil ang paghihilamos ko.

Ano ba yan! Masyado na akong obvious. Sabihin nalang nya ang hyper ko sa ganung usapan. Omg!

Kumuha sya ng towel at binigay sakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya at sinisilip silip ako habang nakatungong nagpupunas ng muka.

Hinigit na nya yung towel sa kamay ko dahil yun naman ngayon ang ikinuskos ko ng ikinuskos sa muka ko.

"Gusto mo ba talagang burahin yang muka mo?" Tanong nya ulit.

"Pa-pasensya na. Ka-kasi ano e. Ah.." Nginitian ko sya at nagpatuloy sa pagkain.

"Pasensya na nga pala sa ginawa ko kaninang madaling araw ah. Naano lang kasi ako. Yung alam mo na yun." Pangiti-ngiti kong sabi. Kahit ako hindi ko maintindihan yung sinabi ko.

Nakakunot na syang nakatingin sa akin, "Ano ba yun?" Naguguluhan nyang tanong.

Tae! Hindi ba nya alam? E ano yung sinasabi nya?

Please, stay.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon