Pagbaba namin ng taxi ay nilakad lang namin ang papunta sa bahay. Sinadya ko talaga yun para matagalan ko syang makasama.
"Gising na nga pala si Heather." Sabi ko habang naglalakad kami.
Agad syang napalingon sakin, "Talaga? Mabuti naman. O ano daw nangyari sa kanila nung Savino?"
Hindi ko nga pa pala nasasabing buntis si Heather. At hindi ko pa rin nasasabing nagkausap kami ng kapatid ni Savino.
Tumingin ako sa kanya at nakita kong diretsyo sa daan ang tingin nya, "K, buntis si Heather."
Nanlaki naman ang mata ni KR at tumingin sa akin nang gulat na gulat, "Ano?! Buntis sya?! E pano? Anong sabi nung Savino? Nagkita na ba sila?" Gulat nyang tanong.
Umiling ako, "Hindi. Pero lumapit sakin ang kapatid ni Savino nung isang araw sinabi nya ang side ni Savino. Para namang hindi kapani-paniwala."
Hindi ma-explain ang expression ni KR sa mga nabalitaan nya.
"Hindi pa ba nagkukwento ang pinsan mo sayo?"
Umiling-iling lang ako.
Huminga sya ng malalim saka ako hinawakan sa dalawang balikat.
"Malalaman mo rin kung bakit kapag nagsalita ni Heather. Hmm? Wag ka na masyadong malungkot at ma-stress, ang importante safe si Heather at ang baby nya."
Nginitian ko sya at niyakap nya ako.
KR always there to comfort me. I'm so blessed to have him.
Nang makarating na kami sa tapat ng gate ay nagpaalam na ako sa kanya ganun din sya, hindi ko sya mayaya na pumasok sa bahay kahit saglit dahil andun si Mama, okay lang naman daw yun at hindi na rin sya pwedeng magtagal dahil babalik pa sya sa school para mag-practice.
Pagpasok ko sa bahay ay kabababa lang ni Mama dala ang tray ng pagkain.
Para lang akong hangin na pumasok sa bahay. Huminga lang ako ng malalim saka sinundan sya sa kitchen.
"Ma, gising po ba si Heath?"
Tanong ko habang sya ay nag-aayos ng mga gamit galing sa tray ng pagkain.
"Kakakain lang nya. She's awake obviously."
"Okay." Jolly kong sagot sa kanya at jolly rin akong umakyat papuntang kwarto ni Heather.
Ayokong ipakita kay Mama na naiinis ako sa ipinapakita nyang coldness sakin.
Ayoko ng bad vibes!
Actually I'm getting annoyed about my mom's attitude.
This is not my fault!
She's been acting crazy about me not being with Heath 24/7 sa Mindoro! I'm not her babysitter, and I'm sure she doesn't want me lingering with her and her boyfriend nung mga panahon na yun.
Pinilit kong pakalmahin ang galit ko bago pumasok sa kwarto ni Heath.
"Hi Dyosa! Balita ko kakameryenda mo lang. Nabusog ka ba? Mukang tataba ka ah. Kasi maya't-maya ang kain mo. Nawala kana sa diet process mo." Tuloy-tuloy kong sabi habang naka-higa na sa may paahan nya.
Nakaupo lang sya at tulala sa kama.
She's not giving me any expressions at all.
"Alam mo namang handa akong makinig kapag handa ka na mag-kwento, diba? I will not judge, makikinig lang ako. Ok?"
Hinawakan ko sya sa kamay at tumambay muna ako doon ng medyo matagal na walang imik saka lumabas na ulit ako ng kwarto nya at dumiretsyo sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
Please, stay.
Romance"Please, stay." Masarap pakinggan lalo na pag mula sa taong sobrang mahal mo at ayaw mong iwanan. Pero paano kung yung taong yun ay masyado nang nakakasakal? Will you still stay?