~*~
Jhiea Cortez
"Girl, ayan oh! Look!" napa-tingin ako sa lalaking tinuturo ni Diane..
Maputi, matangkad, maganda ang hubog ng katawaan, at gwapo..
"Oh diba! Okey na.. Pogi na macho pa.. What do you think?" binalik ko ang tingin sa kanya..
I shrugged. "Pwede na din" sabi ko sabay sipsip sa strawberry shake ko..
Andito kami ngayon sa mall, pansamantalang namamahinga at nagme-meryenda matapos naming libutin ang ka-buo-an nitong mall..
"Eh, how about that guy, yung papasok.. Cute diba? May hawig sya kay Enrique Gil.. Ang gwapo" kilig na sabi naman ni Kyla..
Napatango ako. "Medyo" at sumipsip ulit sa shake ko.
"Urgh!!! Ano ba naman yan Jia.. Kanina pa kami naghahanap ng guy na pwede mong maging boyfriend pero bakit wala ka man lang mapili.. Puro ka na lang. "Pwede na rin", "Medyo".." napahinga ito ng malalim. "Mamili ka naman." maktol ni Diane
"True, ansakit na ng mata ko.. Andami na naming na-hunt pero kahit isa.. Kahit isa lang talaga wala ka man lang napag-interesan?. Aba't sobra naman na yan" sabi naman ni Kyla..
Oh?' Problema ko ba yun? Sila tong kanina pa naghahanap ng mga lalaki na pinipilit nilang magustuhan ko tapos sisisihin pa ako dahil lang sa pagsakit ng mata nila.
"Kayo itong kanina pa naghahanap dyan ng di ko naman sinasabi e. Di ko problema kung masakit na mga mata nyo." sabi ko sa kanya..
Sinimangutan lang nila ako.
"Bakit ba kase hanggang ngayon di mo padin palitan yang si Theo ha? Hindi ka naman papansinin niyang lalaking yan e. Sinusungitan ka pa nga."
"Oo nga." pag sang ayon ni Diane kay Kyla.
"Oh sige, pagkaisahan nyo ako.. Tsaka, di ko naman napipigilan yun e. Kung bakit hanggang ngayon crush ko sya.. Hindi naman masama yun diba. Tsaka wala lang akong oras sa mga ganyan" sagot ko sa kanila..
"Walang oras? Wala ba talagang oras para sa ganito?? Eh kung maka-stalk ka kay Theo kala mo pagnanakawan mo sya e."
Hinampas ko si Diane sa braso. "Ang harsh mo naman sa akin.. Di naman ako ganun ha. Tsaka di ko magagawa yun kay Theo" inirapan ko sila..
Napaka judgemental talaga nitong dalawang to kahit kelan.. Tapos sasabihin pang para ko nang pagnanakawan si Theo? Ano namang nanakawin ko sa kanila? Tsaka kung magnanakaw man ako, di ko pag iintiresan yung mga gamit nila sa bahay nila, kundi yung puso nya lang ang nanakawin ko. Para naman ma-inlove sya sa akin.. Kahit minsan lang.
Si Theo, sya yung guy na pag nakita mo. Nakakalaglag panty.. Di lang sya gwapo, para pa siyang god. Kumbaga kay Aphrodite na goddess of beauty, si Theo naman ay yung god of handsome?
Teka? May ganun ba?
Ah basta! Simple lang si Theo, mayaman sila, at gwapo sya kaya andaming nagkakagusto sa kanya sa school.. At isa na ako doon.
Bakit ba kase ibang iba ang dating nya sa akin, nakakabaliw yung ka-gwapuhan nga e. Para syang anime.. Kung pwede lang na ako yung leading lady nya e.. Parang yung sa Kdrama na "W"..
Kahit fictional character lang yung guy, nagkagusto sya dun sa girl.. At nakaka inis.. Nakalabas pa sya sa mundo ng webtoon..
"Ay, bhe!" tinignan ko si Kyla.
"Speaking of~!" napa tingin ako sa la as dahil dalawa silang naka-tingin doon..
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko si Theo..
"OMG!" Halos pabulong kong sabi..
"Oh! tignan mo sya, kulang nalang mag puso-puso yang mata mo e.. Para kang sinaniban ng kaluluwa ng kaligayahan.." sambit ni Diane.. Kahit kelan talaga 'tong isang di ako magawang suportahan..
Inirapan ko lang sila at ibinalik ang tingin ko sa labas.. Ngunit parang muli akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong may lumapit kay Theo na babae, niyakap siya ito at hinalikan pa..
Sa labi..
Iniwas ko nalang ang tingin ko at mabilis na kinuha ang mga gamit ko..
"Let's go" mahina kong sabi naunang lumabas ng store.. Di pa ako halos nakakalayo kila Theo, bumagsak na ang mga luha ko..
Kahit kelan talaga hindi ko magawang kalimutan sya.. Dahil di lang naman crush ang nararamdaman ko e.
Mahal ko na sya..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Novela JuvenilBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...