Chapter 21

771 34 5
                                    


~*~


Matheo Mejia

Everytime na nakikita ko sya, palaging may naghahalong saya at takot na nararamdaman ko.. Gusto ko syang makasama dahil masaya ako, pero nandun padin ang takot na baka pag palagi ko syang makasama ay sya ding maging dahilan ng kapahamakan nya..

Ako si Matheo Mejia, kilala nyo ako alam ko.. Isa akong estudyante lang at nagmamahal sa isang babaeng alam kong di ko magagawang mahalin sa takot na baka mapahamak sya.. Oo mahal ko sya pero dahil lang ba sa gulo ng pamilya namin mawawala sya sa akin?. Paano nalang kung nahiwalay sya sa akin at makahanap siya ng lalaking pwede nyabg mahalin ng di ko man lang nasasabi ang mga nararamdaman ko para sa kanya.. Ayokong masaktan dahil masakit para sa akin ang mawalan ng mahal sa buhay.. Masakit para sa akin na malamang nawala si Daddy dahil sa kagagawan ng kaibigan nya..

Oo, nawala ang daddy ko sa kagagawan ni Warren, ang daddy ni William.. Hindi totoo ang car accident na sinabi ko noon, yun ang alam ng marami dahil iyon ang pinalabas ng pamilya namin.. Ako, si Riene, at ang mga kapatid ni mommy alam ang lahat ng iyon, pero si mommy, hindi.. Wala syang kaalam-alam dahil mas pinili ng pamilyang hindi ito sabihin sa kanya dahil sa hirap at sakit na nararamdaman nya nung araw na nawala si daddy..

At ang payagan siyang maging ka-relasyon si Warren ay isang napaka-laking kasalanan nagawa ko para kay mommy, at isa pa alam kong hindi din sang si daddy sa akin.. Kahit pilitin kong sabihin sa sarili ko na hindi pwede, mas nangingibabaw ang salitang 'kasiyahan'.. Ang salitang yan ang nag-iisang daan upang magbalik ang dating sigla ni mommy..

At ngayon, sobra ang galit sa akin ng pamilya ni mommy ng malamang pumayag ako sa hiling nito.. Mahal namin si mommy kaya ayaw namin syang mahirapan, pero magagawa ba naming mai-alis sa kanya ang maging masaya.. Alam ng pamilya ang totong nangyare tungkol sa pagkamatay ni daddy pero mas minabuti namin itong itago dahil ayaw naming lumaki ang issue tungkol dito. At si Warren, alam nya ang lahat ng nangyare pero pinipilit padin nitong mag-sumiksik sa buhay namin.. Para ano? Para maki-usyoso sa buhay namin.. Mag-pakitang tao sa pamilya para maipakitang hindi sya ang may gawa ng kasalanang ginawa nya mismo sa isang kaibigang kulang nalang ay ampunin sya nung mga araw na nalulubog sya sa kahirapan..

Kung natatandaan nyo, naging kaagaw nito si daddy sa iisang babae, na ngayon ay ang mommy ko.. Madaling sabihing ito na ang maganda nyang pagkakataon para ma-angkin ang mommy ko, pero mahirap itong paniwalaan dahil hindi mo maalis sa isip mo na ang isang gaya nya ay ginagamit lang si mommy para mas lalong mapunta sa kanya ang lahat ng mga iniwang kayamanan ni daddy..

Di ko pa nasasabing ang eskwelahang pinapasukan ko at ng anak nyang spoiled brat na yon ay pag ma-may-ari namin.. Si Warren at daddy ay nag tulungan upang maipatayo ang school na yun, at dahil mas angat si daddy mas marami itong nai-ambag sa pagpapatayo ng school na yon.. Sabihin na nating 80% ang pagmamay ari ng ama ko at 20% lang sa kanya.. Diba' sobrang nakakaloko na ngayon ay malaman mong sya ang namamahala dito..

At isa pa, ang kompanyang hawak nito ngayon na isa ding pagmamay ari ni daddy.. Ang kumpanyang ito ay pag ma-may-ari naming buo, pero sino ang may hawak? Si Warren.. Kung nag-tataka kayo kung bakit hindi si mommy ang may hawak dito? Walang kahit anong alam ang mommy ko tungkol sa kompanyang pinatayo ng daddy ko, dahil iba ang hilig ni mommy at malayong malayo ito sa kompanyang dahan-dahang tinayo ng ama ko.. At ang isa pa, alam ni mommy na sa amin ang kompanya kaya kahit naman papano ay sa amin padin dumadapo ang buong buong perang naiipon dito.. Pero dahil ngayon at wala na si daddy, halos makalahati na ang perang naipupundar ng kompanya dahil sa kagaguhang ginagawa ng mag-ama..

Siguro, sobra na ang galit nyo ngayon sa akin at nagtatanong kung bakit di ko man lang magawang kunin at bawiin ito sa kanila?.

Gusto ko..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon