~*~
Matheo Mejia
Hindi ko maiwasang matawa habang pinagmamasdan ang magulong kusina na parang dinaanan ng matinding bagyo.
"Wag mokong tawanan, ginawan lang kita ng makakain mo pag gising mo" napa-lingon ako kay Jia na naka simangot. Medyo napatawa ako dahil sa haba ng nguso nito.
Ngumiti ako at hinawakan ang ulo nya, ginulo ko ang buhok nito.
"Masarap naman yung niluto mong pancake e." sambit ko at nginitian uli sya.
Bahagya itong napangiti ngunit bakas pa din ang pagkairita lalo na't ginulo ko ang buhok nito.
"Sige na, mauna kana dun at kukuha lang ako ng juice, tsaka aayusin ko lang tong kusina. Mukha kaseng~"
"Ano?!!" medyo napa-taas ang boses nito dahil sa pagka-irita.
"Wala. Wala. Sige na, mauna kana" pagpapalusot ko, tumango naman ito kahit na medyo naiinis at saka umalis na.
Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng magawi uli ang tingin ko sa magulong kusina namin. Andami nyang platong ginamit, mga anim na tinidor ang nakita kong pakalat kalat, may ilang kitchen utensils pang nasa sahig.
Inayos ko ang mga yon at nilagay sa lababo at saka nanguha ng juice sa ref.. Nanguha din ako ng dalawang baso saka na lumabas ng kusina.
Inilapag ko yung juice sa table habang nakatingin sa TV.
"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa action movies" sambit ko at saka inayos yung dalawang baso,. Hinintay kong sumagot ito pero hindi sya nagsalita. "Mukha nga, tutok na tutok e" saka ko sya nilingon.
Hindi ko maiwasang matawa dahil ang kinakausap ko ay tulog na pala. Gaano ka katanga Matheo Mejia para di mapansin na kaya pala sya tahimik ay dahil tulog na nga. Napa-iling nalang ako saya sya nilapitan.
Tinusok ko ang pisngi nya para siguraduhin kung tulog na nga ba talaga. Hindi naman ito gumalaw, mukhang napagod sa pagluluto at paggulo ng kusina.
Binuhat ko ito at dinala sa kwarto ko. Kinumutan ko sya at pinuntahan yung phone ko na naka-charge. Inalis ko ito dahil full charge na. Muli ko syang sinulyapan bago lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng chips, ako na lang ang manunuod dahil knock out na ang kasama ko.
Lumabas ako ng kusina matapos manguha ng makakain, bigla akong napahinto sa paglalakad ng makita si Nathan at Brian hyung na nakaupo sa sofa at nanunuod habang umiinom ng juice.
Kahit kelan talaga di na sila gumalang, papasok ba naman sa bahay ng may bahay. Napa-iling nalang ako saka dumiretso sa kanila.
"Musta si mommy? Bumalik ba si Warren doon?" tanong ko saka umupo.
"Ayos sya, andun sila Alex hyung kaya wag kang mag-alala. Tsaka may mga bantay sila doon para sakali mang bumalik yung lalaking yun di sya makakapasok" sagot ni Nathan hyung.
Tumango naman ako.
"Asan yung kasama mo? Pinagod mo yata" saka ito tumawa, sinamaan ko sya ng tingin.
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...