Epilogue

1K 29 1
                                    


~*~

Jhiea Cortez

“What? Problema ko pa 'yon?” muryot kong sagot. Naupo ako at humalukipkip sa harapan ni Zinn na ngayon ay namomroblema sa harapan ko.

“Bakit kase sinabi mo? Alam mo naman na ayaw na ayaw nyang tumatanggap ako ng mga gifts sa mga admirers ko di 'ba?” anito saka yumuko at sinabunutan ang sarili.

“So anong tingin mo? Maglilihim ako sa kaibigan ko ganon ba?” tinaasan ko ito ng kilay ng umangat ang tingin nito sa akin.

“Hindi naman sa ganon, pero kaibigan mo din naman ako diba? Mas matagal ang naging samahan natin kesa sa kan~”

“Yah! Yah! Wag mong gamitin ang samahan natin para mangatwiran. Ano naman kung mas matagal tayong magkakilala, ang mahalaga pa din don ay nalaman nya” sagot ko at saka tamayo. Naglakad ako papunta ng kusina.

“What?” rinig kong sambit nito. Alam kong nakasunod ito sa akin dahil tumayo din ito sa kanyang pagkakaupo.

“Magtanda ka kase. Hindi lahat ng bagay magagawa mong itago sa kanya. Amazona ang babaeng 'yon kaya pasensyahan nalang kayo” kinuha ko ang bottle ng juice sa ref at kumuha din ng baso. Nagsalin ako dito at umupo. Ipinatong ko ang siko ko sa mesa habang umiinom.

“ARGH! Bakit wala akong makuhang matinong sagot senyo? Nakakasawang magtanong.” gigil sa sabi nito at yumuko. Ipinatong nito ang ulo sa mesa at saka ito ini-untog untog. Tch.

“Malalaman mo ang sagot kung mahal mo talaga sya” sambit ko at inilapag ang walang lamang baso sa harapan ko. Pinaglaruan ko ito.

“Pano mo nasabi?” tanong nito pero nanatili akong nakatingin sa basong hawak ko.

“Mali bang tinanggap mo yun kahit ayaw nya?”

“Ewan?”

“Mahal mo ba sya?”

“Oo, sobra.

“May kasalanan ka ba?”

“Wala”

Tumingin ako dito. Kunot ang noo nito at halatang hindi naiintindihan ang sinasabi ko..

“That's it!. Dahil nga tinanggap mo yung regalo galing sa admirer mo nagalit sya. Pero hindi mo alam kung may mali ba. At gaya ng sabi mo wala kang kasalanan kase nga mahal mo sya.” sambit ko. Mas lalo namang nangunot ang noo nito.

“I don't get it” sambit nito. Napa-ubo naman bigla ako. Kahit ako din kase hindi ko naintindihan ang sinabi ko e.

“Ganito kase 'yon. Hindi naman mali ang tumanggap ng mga regalo para sa'yo e. Pero mali pa din e. Kase kahit alam mong ayaw nya tinanggap mo pa din kaya kasalanan mo lang din. Sinuway mo yung ayaw nya kase nga ang gusto nya sya lang yung dapat magbigay ng mga ganyang regalo sa'yo. Girlfriend mo sya kaya kahit na hindi masyadong big deal ang pagtanggap ng regalo galing sa ibang babae. Para sa amin big deal pa din. Kase nga feel namin na parang mas lamang yung bigay ng ibang tao kesa sa mga naibibigay namin sa inyo.” napa-tango ito. Maging ako ay napatango din dahil tama naman ang sinabi ko.

“So paano ko sya susuyuin?”

“Do something na alam mong makakapag pagaan ng loob nya. Alam kong mahal ka din nung tao kaya unting effort lang bro” sambit ko. Napatayo naman ito bigla.

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon