~*~
Jhiea Cortez
Pilit kong pinapakalma ang sarili ko habang andito kami naka upo sa harapan ng apoy na sinindihan ni Theo para medyo mainit, malamig na din kase dito at medyo dumidilim na..
Hayshhh.. Bakit ba naman kase sa dinami dami ng lugar na pwede kaming mawala dito pa..
"Boyscout ka pala" sambit ko. Sa totoo lang eto talaga ang unang beses na nagsalita ako.. Mula pa kase kanina di na ako nagsasalita. Mula pa nung alam nyo na..
"Oo, dati nung Grade 2 ako.. First and Last time kong nag boyscout " sagot nito habang naka tingin sa apoy sa harapan namin at nilalaro laro nya yung stick na hawak nya..
Medyo napangiti ako.. "Talaga, tapos natuto ka agad ng ganyan??"
Tumingin ito sa akin na ikinagulat ko, feeling ko matutunaw ako.. Grabe..
Naka ngiti sya..
"Oo"
At talaga lang, Jia ah.. May lakas ka pa ng loob na kausapin sya matapos ng nangyare kanina ha.. Isipin mo nga.. Yung First Kiss mo..
Wala naaa!!!!!.....
Dapat nga sinusungitan mo na dahil sa ginawa nya e pero bakit parang wala lang?? Antanga mo talaga..
"Bakit naman??" Oh' nagtanong pa..
Biglang nagbago ang ekspresyon nito, yung ngiti nya biglang nawala at napalitan ng lungkot..
Hindi ito sumagot. "Okey lang, kung di mo sabihin." sambit ko at tumingin nalang din sa apoy..
"Yun kase ang araw na namatay si Kuya" bigla akong napa-tingin sa kanya.. Teka? May kuya sya??
Diretso lang itong naka tingin sa apoy, At ako, parang binuhusan ng malamig na tubig dito dahil parang akong nanigas sa gulat.. Nawala ang kuya nya?
"Nahulog ako sa malalim na ilog nun, hindi ako marunong lumangoy.. Tumalon sya at niligtas ako, pero sya ang pumalit sa akin.. Kahit marunong syang lumangoy, nalunod sya at iyon ang ikinamatay nya."
"S-sorry" napa yuko ako..
Bakit ko ba naisipang i-open-up yang topic na yan?..
Kahit kelan talaga, Jia.. Di ko na alam ang nangyayare sayong hayop ka..para kang tanga...
Napa-tingin ako kay Theo.. Napa tingin padin ito sa apoy at sobrang lalim ng iniisip., yun bang tipong kahit napilitin mong silipin ng silipin yung iniisip nya di mo talaga makikita dahil sa lalim nito..
Napa-hinga ako ng malalim.. Kahit pala ganito tong isang to' may problema din..
"Na-in love kana ba?" halos malaglag ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang tanong nya.. Ano yun?? Bigla talon yung topic??.. Pero okey na din, ayokong makita syang nasasaktan dahil sa mga nakaraan nya..
Napa-ubo ako bigla.. "A-ano?? B-bakit??" takang tanong ko..
Shit ka.. Kung alam mo lang talaga Theo.. Noon ko pa na-try yan.. Antagal tagal na.. Pero nga lang di mo ako pinapansin..
Napa-tingin ito sa akin.. "Ako kase Oo e. Kaso di nya ako pinapansin"
Nangunot naman bigla ang noo ko. "H-huh?? D-diba, may Girlfriend kana??" tanong ko.. Ang gulo neto.. Na-inlove na daw pero di sya pinapansin.. Eh may girlfriend naman sya..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...