Chapter 11

981 46 6
                                    

~*~

Jhiea Cortez


Huminga ako ng malalim at nilasap ang sarap ng sariwang hangin dito sa gilid ng dagat habang naka upo ako dito sa isang kubo dito..

Bukas na bukas, aalis na kami at uuwi na.. At etong red strap na katali sa kamay ko na nag dudugtong sa amin ni Theo ay maaalis na..

Napa tingin nalang ako sa kamay ko, pinag-masdan ko yung red strap na nakatali sa mga wrist ko.. Hinawakan ko ito, kahit na isang tela lang ito na nakatali sa mga kamay namin ay malaki pa din ang pasalamat ko sa isang 'to.. Eto ang dahilan kung bakit ko nakasama si Theo, kahit na alam ko namang napipilitan lang sya dahil sa red strap na'to ay nagawa nya padin akong kausapin at makasama sa kahit anong activities dito..

Napa-tingin ako kay Theo na naka-higa ngayon sa tabi ko.. Napa hinga din ako ng malalim habang pinag mamasdan sya na naka pikit.. Hindi ko alam kung anong mangyayare sa susunod na mga araw, kase di naman na kami magka-kasama dahil mawawala na etong tela na nagdu-dugtong sa amin kaya siguro, balik sa dati..

Yung dating, walang imikan. Yung tipong ini-snab nalang nya ako kase sa totoo lang, di naman nya ako kilala e.. Kaya expected na yun na ganun ang mangyayare..

“Nami-miss ko 'to” nagulat ako ng biglang magsalita si Theo kaya naman napa-iwas ako agad ng tingin..

“H-ha?”

Iminulat nito ang mga mata neto at tumingin sa akin.. Umupo ito mula sa pagkakahiga.

“Sabi ko, ito.. Ma-mimiss ko'to.” napa-pikit ako ng dalawang beses??..

M-ma-mimiss nya daw?? Yung eto?? Yung ganito??? Ibig sabihin?

OMG!!!.. Mami-miss nya akoYung mga araw na nagka-sama kami, mami-miss nya..

“T-talaga??” naka-ngiti kong sabi sa kanya.. Tingin ko nga kumikinang kinang pa 'tong mata kong naka-tingin sa kanya e.

“Oo, ang ganda kase netong lugar e.”

Halos malaglag naman ako sa pagkaka-upo ko dahil sa sagot nito.. Teka ano daw?, ibig sabihin etong lugar ang sinasabi nya??

Napa-pout nalang ako.. Grabe, akala ko ako yung mami-miss nya, akala ko mami-miss nya yung mga araw na nagkasama kami.. Pero ang totoo pala, hindi. Kase ang tinutukoy nya lang naman ay etong lugar..

Uso kase mag-assume e.. Kaya nasasaktan ako.. Hayy... Nakaka-awa ako..

“A-ahh. Oo nga.. Ang ganda.” napa-ngiti ako ng pilit habang dahan dahan'g inililingon ang mukha ko sa dagat..

Antanga mo Jia..

“T-tsaka.. Eto din,” napa-tingin ako bigla sa kanya.

“Eto?”

Tumango ito. “Ansaya lang kase, lalo na yung mga nangyare.” napa-titig ako sa kanya.

“Nung first day, yung kadadating natin dito. Tapos nung, uhmm~” huminga ito ng malalim.. “N-nung m-mountain climbing”

Napa-lunok ako bigla.. Talaga bang nag enjoy sya nun??

So, ibig sabihin in-enjoy nya yung araw na yun?? Yung araw na nawala kami, at the same time yun din yung araw na nawala yung first kiss ko..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon