~*~Matheo Mejia
.
“Bakit di mo sinabi sa amin ni mom?.” tanong ko kay William. Halos di ako makatingin dito dahil sa nararamdaman kong konsensya sa kanya. Hindi ko inakalang ganon ang trato sa kanya ng gago nyang ama..“Paano ko sasabihin kung di ko magawang makalapit sa inyo?. Hindi ko naman pwedeng ipilit ang sarili ko dahil alam kong masama ang tingin nyo sa akin. Dahil sa mga ginagawa ni dad senyo ay napapasama din ako kaya wala akong magawa.” hindi ko magawang sumagot dahil sa sinabi nito. Tama sya, iyon nga ang tingin namin sa kanya dahil sa ama nya. Pero hindi naman namin alam. Hindi namin alam ang mga nangyayare sa buhay nya dahil maayos naman ito..
Huminga ako ng malalim bago ibinalin ang tingin sa kanya.. Nanatili itong nakayuko. Tumayo ako dahilan para umangat ng tingin nito.
“Magtulungan tayo” naguluhan ang mga mata nito ngunit kalaunan ay sumang-ayon ito. Base sa kwento nya ay gusto nya na ding tumigil ang daddy nya sa mga kasaamaang ginagawa nito. At ganun din ako.
Labis pa din ang kaba ko dahil alam kong hawak ni Warren ang mommy ko. Maging si Jia ay nasa panganib din. Bakit ba nangyayare ang mga bagay na ito?.
Tumayo si William at hinarap ako..
“Sa ayaw mo man at gusto. Tutulong ako sa pag-hanap sa mommy mo.” lumungkot ang tono ng boses nito. “At maging ang paghuli sa daddy ko.. Tutulong ako” anito.
Napa-ngiti ako. Mahina kong hinampas ang baso nito dahilan para mapa-tingin ito sa akin..
“Hyung" napa-ngiti ito.
“Patawarin mo sana ako sa nagawa ni daddy sa inyo Matt” sambit nito..
Hindi ko maiwasang sumaya dahil sa pagtawag nito ng pangalan ko.
Umiling ako dito,. “Hindi na kailangan. Basta magtulungan tayo para maayos na ang lahat ng ito” sambit ko. Tumango naman ito sa akin at ngumiti.
Lumabas kaming dalawa ng kwarto at agad na dumiretso sa kusina kung nasaan yung anim..
“Oyy. Mukhang bati na sila!” buyawyaw sa amin ni Nathan hyung. Natawa kaming pareho.
Napa-tingin ako kay Cody hyung na naka-upo lang at pinapanuod ang ini-inom nyang alak.. Ang aga aga nainom..
“Yan kase,” napa-tingin ako kay Alex hyung na nasa tabi ko. Tumango ito at binangga ang balikat ko ng kanyang balikat.. “Puntahan mo na” ako naman ang tumango dito..
Humiwalay ako sa kanila, lahat sila ay lumabas at dumiretso sa sala. Ako naman ay nakatayo lang habang nakatingin kay Cody hyung.
“Ano pamg ginagawa mo dito? Sumama ka sa kanila” sambit nito. Huminga ako ng malalim at dumiretso ako papunta sa tabi nito. Agad akong nanguha ng baso at naglagay ng alak.
“Jwisonghamnida... Hyung” lumipat ang tingin nito sa basong hawak ko. Huminga ito ng malalim pero nanatili itong tahimik. “Kung ano man nasabi o nagawa ko. I'm sorry.”
“We need a plan. Paano natin sila makukuha sa kamay ng Warren na 'yon” napa-tingin ako sa kanya ng diretso. Maging ito ay tumingin din sa akin ng diretso.
“Prove what you said Matheo.” saka ito ngumiti sa akin..
Kahit naguguluhan ay tumango ako sa kanya. Lumabas kami ng kusina at nagpunta sa sala. Naabutan namin ang pitong nakaupo habang nanunuod ng movie.
Pinatay ni Cody hyung ang TV dahilan para mag-ingay sila.
“May problema tayo tapos nanunuod lang kayo?” seryosong sambit nito dahilan para matahimik silang lahat..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...