~*~Jhiea Cortez
Napa-kagat ako sa dila ko ng matapos lumabas ni Theo sa kwartong 'to.. Pinilit syang habulin ni Kyle pero pinigilan ito ni Zinn at Nathan..Naguguluhan ako sa nangyayare, mukhang may mabigat siyang problema.. Hindi ko makalimutan ang kaninang galit sa mga mata ni Theo ng makita nito si Warren sa kanyang harapan.. Kilala ko ito dahil sya ang kalaban namin sa kompanya ni dad. Pero anong koneksyon nito kila Theo?? Nung una ang iniisip ko kung ito ba ang tatay ni Theo pero nang nalaman kong ito ang daddy ni William ay medyo nalinawan na ako.. Hindi ito ang daddy ni Theo, pero naguguluhan pa din ako.. Kung hindi ito ang daddy ni Theo bakit sila magkasama nung mommy ni Theo noong araw sinundo ako ni Zinn sa kanila??
Masyadong magulo.. Hindi ko maintindihan..
“Pag pasensyahan nyo na ang nangyayaring ito” sambit ni Alex habang nakatingin sa amin ni Kyla..
Masyadong magulo, ayokong magtanong dahil labas na kami dito pero hindi ako mapakali..
“A-ano bang nangyare??” di ko na maiwasang magtanong pa.. Tumingin naman ako kay Kyla na ngayon ay hindi mapigilan ang pag-iyak. “At bakit sya u-umiiyak??”
Sumenyas si Alex kay Zinn at Tim na lapitan kaming dalawa.
Lumapit sa akin si Zinn at umupo sa tabi ko.. “Sasabihin ko sa iyo ang lahat.” sambit nito at hinawakan ang kamay ko..
Tumango naman ako sa kanya.. Masyadong sagrado ang bagay na ito pero meron pa din sa sarili ko ang gustong maka-alam neto.. Gulo 'to ng buhay ni Theo pero bakit lahat sila ay alam ito??.
“Labas muna tayo?” tumango ako at sumama sa kanya upang lumabas.. Nagpunta kami sa rooftop ng hospital at naupo sa isa sa mga upuan doon..
“Mula pagkabata ay nasubaybayan namin ang paglaki ng bawat isa” panimula ni Zinn habang nakatingin sa malayo.. Ramdam ko pinapakalma nito ang sarili nya dahil sa sunod sunod na buntong hininga ang pinapakawala nya mula pa kanina..
“Masayahing bata si Matheo at ganun din ang kuya nya na namatay dahil sa isang aksidente” napatango ako.. Ang kuya ni Theo na nagligtas sa kanya nung nalulunod sya.. “Sobra ang lungkot ni Theo ng nawala ito at sobra nyang sinisisi ang sarili nya sa pagkawala ng kuya nya.. Lahat kami ay nakita iyon at nakaramdam din ng lungkot gaya nya dahil kaibigan din namin ang kuya nya.. Tinulungan namin sya upang malimutan ito hanggang sa lumaki na kami.. At ang daddy nya naman ang sumunod na namatay..”
“Anong dahilan ng pagkamatay ng daddy nya?” tanong ko..
“Hindi ito namatay.. ” kumunot ang noo ko sa sinagot nito..
“H-hindi namatay??” kung hindi sya namatay, ibig sabihin may pumatay?.
Sumulyap ito sa akin saglit pero muli ulit ibinalik ang tingin sa malayo..
“Pinalabas nilang car accident ang nangyare pero ang totoo.” umayos ito ng upo at yumuko.. “Pinatay ito ni Warren”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ang pangalang iyon.. Warren.. Ang lalaking kanina ang nakita ko ng harapan,.
“Y-yung lalaki kanina” gulat na sambit ko.. Para akong kinakapos ng hininga sa nalaman ko.. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o sadyang nagulat lang talaga.. P-pero sya?? Bakit sya nandito kanina at nagawa pang dalawin ang mommy ni Theo kung ito mismo ang pumatay sa daddy ni Theo?.
Tumingin ito sa akin at tumango.. “Sya nga”
“P-pero bakit di nyo sya isumbong sa pulis?” tanong ko sa kanya.. Tumawa ito ng mahina at muling bumuntong hininga..
![](https://img.wattpad.com/cover/143640292-288-k103528.jpg)
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...