~*~Matheo Mejia
.“Jia!!!” sigaw ko ng nakitang may lalaking kumuha sa kanya. Lahat ng tao sa labas ay naguluhan ngunit ni isa sa kanila ay walang nakapansin sa pagkuha kay Jia..
Agad akong tumakbo palabas ng kwarto at nilibot ang paningin ko. Ilang beses akong tinawag nila hyung ngunit nanatili akong tumatakbo upang hanapin sya..
Unti-unti ay naramdaman ko ang paghina ng mga tuhod ko. Para akong tumakbo ng napakalayo dahilan upang manghina 'to ng ganito. Unti-unti akong napaluhod. Ngunit pinilit kong tumayo upang humabol sa kung sino mang nanguha kay Jia. Malamang ay sila din ang kumuha kay mommy. Ngunit bakit? Bakit nila kailangang idamay si Jia?.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Napahawak ako sa aking noo dahil sa unti unting pagsakit ng ulo ko. Dahan-dahan ay bumagsak ako at nawalan ng malay..
-
“Matheo, stop” inagaw sa akin ni Alex hyung ang boteng hawak ko..
Hinayaan ko ito at agad na kumuha pa ng isa. Pinilit kong bumalik sa dating kinauupuan ko kahit na sobra na ang hilo ko dahil sa akin ng alak na 'to. Pero di ko man lang maramdaman ang kahit onting saya lang. Madami na akong nainom ngunit wala man lang nangyayare. Hindi ko man lang magawang kalimutan ang mga problemang 'to.
“I said stop. Lasing ka na!!” muli nitong kinuha ang boteng hawak ko.
“Ano ba! Hindi pa ako lasing! Akin na yan!!” kahit na nahihilo ay pinilit kong agawin ang bote ng alak sa kanya..
Bakit ba di na lang nila ako hayaang uminom.. Lahat sila ay nandito na't pinipigilan ako. Buti sana kung nakakatulong sila.
“Matheo, hindi ka matutulungan ng alak na 'yan. Halika na at dadalhin na kita sa kwarto mo” hinawakan ni Alex hyung ang braso ko at itinayo ako.. Na sya namang agad kong tinabig dahilan upang matumba ako at matabig ang mga bote ng alak na nakabukas na. Ang iba ay natapon at ang iba naman ay nahulog at nabasag..
“Hayaan nyo syang uminom kung gusto nya.” sambit ni Brian hyung na nasa harapan ko. Nginitian ko ito. Kumuha ako ng isang bote pa at agad na nilagok ang laman 'non. Ngunit napahinto ako ng agawin sa akin 'yon ni Cody hyung..
Nakaramdam ako ng inis ng agad nya itong tinungga at inubos. Nilapag nya ito sa mesa at hinawakan ang braso ko.
“Tara na sa kwarto mo” hinila ako nito. Agad ko namang hinila ang braso ko dahilan upang mapahinto ito.
“Ano bang problema mo?.” tanong ko.
Kumunot ang noo nito. “Ikaw ang problema namin. Hindi ba isang katangahan ang uminom”
Napa-tawa ako bigla. “Katangahan? Tingin mo ba katangahan ang subukang kalimutan ang problema ko?”
Ito naman ang napatawa. “Sa tingin mo ba ikaw lang ang namomroblema ngayon? Lahat kami Theo, nag-aalala sa mga nangyayare ngayon. Tapos ngayon dadagdagan mo pa?.” humakbang ito palapit sa akin.
“Nag-aalala ka? Bakit? Ikaw ba ang nawalan ng nanay? Ikaw ba 'yong nahihirapan at nag-aalala ka?. Hindi ba't wala ka namang pakielam sa akin?.”
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Fiksi RemajaBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...