Chapter 37

516 24 2
                                    


~*~

Matheo Mejia

.

Habang nagmamaneho ako papunta sa ClanCom, ang kompanya nila Jia.. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng hindi maganda. Madalas kong maramdaman 'to magmula ng nawala si mom.. Pero iba ngayon.

Huminga ako ng malalim. Jia” sambit ko sa aking isipan kasabay ng kaba na nasa dibdib ko.

Ikinalma ko ang sarili kahit at pinarada ang sasakyan ko sa parking lot ng ClanCom.

Lumabas ako at dumiretso papasok. Bago pa man ako makapasok ay hinarang ako ng guard.

“Sir, ano pong kailangan nyo dito? Hindi po ba't kayo ang anak ni Mr. Mejia?” tanong nito.

Umatras ako pabalik at lumapit sa kanya. Tumingin ako dito at tumango.

“Ako nga po” sagot ko dito.

“Kung ang hanap nyo po sina Mrs. Cortez, wala po sila” ani kuyang guard. Napa-kunot naman ang noo ko dito. Lumapit akong mabuti sa kanya..

“Bakit naman po?”

“Nawawala sila” kumunot ng tuluyan ang noo ko. Nawawala sila? Bakit?

“A-ano daw pong balita? Alam nyo po ba kung saan sila nagpunta?”

Umiling ito..

“Hindi. Kase nung minsan lang. Galing lang sila sa Japan para sa business trip nila doon. Sumaglit sila dito. Tsaka sila umuwi sa kanila. Kinabukasan, hindi sila nakapasok. Pinuntahan sila ng secretary nila sa bahay nila ngunit ang sabi ng katulong nila ay hindi pa daw sila umuuwi kaya nagtaka kami. Ang akala namin ay nag out of town lang sila kasama ang anak nila pero hindi. Tapos nung isang araw lang, nabalitaan naming nawawala din pala ang anak nila. May nakakita pang buhat-buhat nila si Jia ng isang lalaki at isinakay sa sasakyan. Akala nila ay boyfriend lang niya ito pero hindi pala. Hanggang ngayon ay wala pa din kaming balita sa kanila” paliwanag nito..

Napa-isip ako sa sinabi nito. Ibig sabihin ay nawawala din ang mga magulang ni Jia. Kung hindi ako nagkakamali ay si Warren din ang nanguha dito. Kalaban ng kompanya namin ang kompanya nila Jia kaya siguradong sigurado akong siya nga ang may hawak sa kanila..

“Sige. Salamat po” saka ako tumakbo pabalik sa sasakyan ko. Agad akong sumakay dito at pinaharurot ito pauwi sa bahay.

Agad akong pumasok sa loob sakto namang lumabas sila hyung.. Tumingin ako diretso sa kanilang mga mata. Tango nalang ang ibinigay ko sa kanila.

~*~

William's POV
.

“Dad tama na sumunod ako dito papasok sa office nya. “Hindi na maganda ang nangyayare dahil lang sa kagagawan mo"

Hinarap ako nito. Kunot ang noo at napakasama ng tingin sa akin.

“Ano bang problema William? Hindi ba't sabay nating pinag-usapan ang lahat ng ito? Pero bakit ngayon ay umaayaw ka?” tanong nito sa akin. Nananatili pa din ang pagtataka nito dahil sa mga sinasabi ko.

Kanina ko pa ito kinakausap na itigil na ang lahat ng ito pero ayaw nito.

“Hindi sa ganon dad. Ayoko lang mapahamak ka. Hindi lang ikaw kahit si tita..”

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon