Chapter 39

560 22 0
                                    


~*~
Jhiea Cortez

“Zinn. Wala nga kase 'yon!!” napa-hilamos ako sa mukha ko.. Gaya ng sabi ko, andito ngayon sa loob ng kwarto ko ang isang Zinn Cody para kulitin ako sa kung ano ba yung sinabi ko kanina. Sa totoo lang di na talaga sya umuwi sa kanila e. Tumawag lang sila sa mommy nya na di sya makakauwi ngayon at dito sya matutulog sa bahay.

Buti nga may mga damit sya dito kaya di na nya kailangang umuwi para manguha.

“Come-on Jia! Wag mo nang patagalin 'yan! Sasabihin mo din lang 'yan sa akin. Wag mo na akong pahirapan pa” anito at saka tumalon sa kama ko. Napa-taas naman kilay ko habang nakatingin sa kanya.

“Umalis ka nga sa kama ko.” tumingin ito sa akin. Umupo sya at sinamaan ako ng tingin.

“Wag mong ibahin ang usapan. Higaan ko din 'to” sagot nito at muling humiga. “Sabihin mo na kase!” muling pagpupumilit nito. Napa-irap nalang ako at tinalikyran sya. Nag-tungo ako sa mesa ko at nanguha ng book..

Magbabasa nalang ako kesa ang mainis sa pangungulit ng taong 'to..

“Yahh!! Don't read books.. Di ka ba napagod sa pag-aaral ngayong araw?”

“Fiction books ang binabasa ko at hindi ako nag-aaral" sagot ko habang patuloy pa din sa pagbabasa.

“Jia!!! Sino ba si Mr. Left? At bakit ka magpapakatanga sa kanya?” tanong nito habang nakahiga pa din. Hindi ko ito sinagot at nanatiling nakatingin sa aklat na hawak ko..

“Sige. Ayaw mong sabihin?” lumingon ako di at tiningnan sya.. Hindi ko maiwasang mapa-ngit dahil mukhang napagod na ito kakatanong. Sa totoo lang 10:25 pm na. At mula pa kaninang 4:30 sya nandito sa bahay at kinukulit ako.

Tumayo ito sa pagkakahiga at agad na kinuha ang jacket nya. “Sasabihin ko kay Tita at Tito na may boyfriend ka na mula pa lang nung first year ka.” napa-kunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Ey. Ey. Wait. What??” napa-tayo ako ng buksan nito ang pinto.

“Zinn!! Teka!!" Agad ko itong hinabol ng dumiretso itong lumabas sa kwarto ko.

“Tita!! Tito!!! Alam nya po ba si Ji~ mmmm!!” agad kong tinakpan ang bibig nito ng mahabol ko sya bago sya bumaba sa hagdan.

Hayop na hinayupak ang isang 'to. Ipapahamak pa ako.

“A-ano yon Cody?” biglang lumabas si Mommy sa kusina. Nakasuot pa ito ng apron, nakapuyod pataas ang buhok at may hawak pang sandok.

Nanlaki ang mata ko nang magpumiglas ang lalaking hawak ko at muling sumigaw.
“Si Jia po may boy~" agad kong tinakpan ulit ang bibig nito.

“Ano ba. Tumahimik ka” inis na bulong ko dito.. Muli akong tumingin kay mommy na pinapanuod kami. “A-ahh. Wala po 'yon mommy. Sabi nya gutom na sya. Bilsan nyo pong magluto.” sambit ko. “Dito lang po muna kami sa kwarto! Sarapan nyo po luto nyo!” sigaw ko at hinila papasok ulit si Zinn.

Nang maisara ko ang pinto ay agad ko itong sinamaan ng tingin..

“Ano bang balak mong gawin?” iritang sabi ko.

Natawa naman ito bigla. “Sabi ko naman sa'yo wag mo na akong pahirapan. Kase kung hindi mapapahamak ka”

“Wala nga kase”

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon