Chapter 20

784 37 10
                                    

~*~

Matheo Mejia

Napa-hinga ako ng malalim sabay subo ng piattos.. Punyetang araw to'. Hindi ko inaasahang kahit yung mga hayop na yun babalikan ako? Ano yun? Di ba sapat sa kanila ang isang salita??.

Bigla akong natigil sa pag-iisip ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko..

Biglang napa-kunot ang noo ko ng makita ang naka-ngising mukha ni Tim pag bukas ng pinto..

“Anong ginagawa mo dito??” iritang tanong ko..

“Ang sungit mo naman..” sambit nito at saka umupo sa tabi ko.. “Anong pinapanuod mo?” tanong nito sabay tingin sa laptop ko..

“Bakit ka nga sabi nandito??” iritang tanong ko dahilan para tingnan ako nito ng naka-busangot..

“Wala.. Gusto ko lang dito.. Tsaka malapit lang naman bahay ko dito. Bakit ba?” sagot nito sa akin sabay agaw nung pagkain ko.. “Tsaka, ikaw. Bakit ba ang sungit mo? May regla ka no'?”

“Aba't~ gago ka ah!” sabay batok sa kanya..

“Aray ko naman. Bakit ba ang sungit mo ngayon.. Porke tapos na ang field trip at naghiwalay na kayo ni Jia ganyan ka na” sambit nito sabay layo sa akin at subo nung piattos na kinakain ko..

Napa-hinga nalang ako ng malalim.. Oo nga, tapos na ang field trip at sa tatlong araw na yun hindi ko alam kung paano ko uli susubukang wag pansinin si Jia. Sa dinami dami ng mga nangyare habang magkasama kami, nung nawala kami habang paakyat kami ng bundok, at yun oras na hinalikan ko sya ng hindi ko alam ang dahilan, pati na din yung araw na bigla nalang pumula ang mata ko at naipakita ko ito sa kanya ng malapitan, yung araw na dumating sila hyung at nakapag-perform kami sa harapan ng mga ka-batch mate ko kahit na wala kami sa stage.. At yung red strap na naging daan para lagi kaming magkasama, yung gabi na nasa isang kubo kami sa tabi ng dagat at nag uusap, at kanina.. Yung mukha nya alam kong di ko na makikita sa malapitan.. Dahil balik nanaman kami sa dati..

Ayoko mang layuan sya ngayon dahil sa nangyare nung nasa field trip palang kami, wala akong magagawa.. Tingin ko ay mas mabuti padin talagang lumayo ako kesa ang lapitan ko sya.. Ang gagawin ko na lang sigiro ngayon ay bantayan sya sa malayuan..

“Tim”

“Hmm?”

“Gusto mo ba uling mabuo ang gang?” tanong ko dito dahilan para sumeryoso ang mukha nya at mapa-tingin sa akin ng diretso..

“Bakit mo natanong hyung?”

“Wala lang, since nandito na sila hyung at buo na tayo bakit di natin ulit subukang buoin at pausbungin ang gang?” tanong ko dito na may masiglang boses.. Kahit ako sa sarili ko ay nalilito din sa sinasabi ko.. Alam ko namang hindi ligtas ang gabg para sa amin pero meron padin talagang nagsasabi sa akin na kailanga ko to', na kailangan namin to'.

“Tingin ko hindi na” halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang sumulpot si Brian[Jimin] hyung sa likod ko.


“Anong~?”

“Tama. Wag na” bigla namang umangat ang blanket ng higaan ko at lumabas si Nathan[Hoseok] hyung dito..

“Kase, kahit naman natin buoin ang gang sama sama padin tayo diba” bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Alex[Jin] hyung na may hawak na tatlong supot ng nova “Oh pagkain” sabay hagis sa amin..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon