~*~
Jhiea Cortez“Ano ba, Jia!!” maktol ni Diane habang pinag hahahampas yung higaan ko..
As usual, andito nanaman lang ang mga lola nyong mga tsismosa para lang makibalita sa mga nangyare habang nasa puder ako ni Theo.. Syempre natural na mga tsismosa yang mga yan at mga kaibigan ko pa kaya di talaga maiiwasang hindi maka-rating ang gantong balita sa kanila.. At kanina, pagka-pasok at pagka-pasok ko pa lang kase sa bahay sumalubong na sa akin yang dalawang yan.. At ngayon nandito kami sa kwarto ko..
Napa-hinga nalang ako ng malalim habang naka-harap ako sa closet ko at namimili ng maipam-papalit sa suot kong dress ngayon..
“Mag kwento ka naman, wag ka ng masyadong KJ, Jiaa....” hinarap ko silang dalawa at tinignan ng blangko habang naka-taas ang kilay..
“Wala.” maikling sagot ko at muling humarap sa closet ko..
“Paanong wala?? Andaming nag-bago sayo sa isang gabi mong pag tulog dun.. Tapos sasabihin mong wala??” sagot ni Kyla sa akin..
Muli ko silang nilingon at tinignan ng may kunot na noo.. Tumayo ako ng maayos sa harapan nila.. Diretso ang mga hita ko, pati ang katawan ko at mga kamay.. Ganun din ang tingin ko para mapakita kung meron ba talagang nag-bago sa akin.. Base kase sa pagkaka-alam ko wala naman talagang nag-bago dahil ako mismo ang may ari ng katawan na 'to.. Kaya paanong may mababago sa'kin ng di ko alam di'ba?..
“So, tell me.. What's new with this beautiful face?” tanong ko sa kanila..
“Sa mukha wala, but that dress..” itinuro nito ang suot ko.. “Di mo na kami maloloko dyan.. Aminin mo, binili yan ni Theo for you 'no!” ani Kyla..
Seriously??. Eto talaga ang napansin nila?? Di man lang ba nila inisip kung okey ba ako dun sa nangyare nung isang araw.. Kung okey ba ako o may masakit sa akin??.. Kahit isa walang tanong about dyan.. Pero yung tungkol sa pag-tulog ko sa bahay nila Theo ay malaking issue para sa mga mahal kong bwisit na besparr 'no..
“Seryoso?? Eto talaga napansin nyo??” takang tanong ko sabay hawak sa palda nung dress na suot ko..Sabay naman silang tumango.. “At hindi mo magagawang ibahin ang usapan, kaya ngayon palang aminin mo na kung kanino galing yan.” sabi naman ni Diane sabay subo ng chips..
“Tss..” sabi ko sabay irap.. Humarap uli ako sa closet ko at humila ng isang loose shirt at short.. “Oo, bigay nya 'to” sambit ko at pumasok sa bathroom ko.
Kung tutuosin dapat nga ako ang kinikilig ngayon e.. Pero pano nalang yun mangyayare kung ganito mangulit 'tong dalawang 'to.. Gusto kong mag-pahinga at matulog mag-hapon pero andito sila at nang-gagambala kaya paano nalang 'yon..
Matapos kong mag-bihis lumabas agad ako at tinignan yung dalawa na hanggang ngayon ay kilig na kilig padin.. Agad ko naman inilagay sa hanger yung dress at isinabit..
“Labas” sambit ko.. Napa-tigil naman bigla yung dalawa sa kakatili nila at agad na tumingin sa'kin..
“Mwo?” kunot noong tanong ni Kyla..
“Sabi ko labas.” sambit ko at hinila silang dalawa para tumayo at umalis sa kama ko..
“Bakit?? May mga tanong pa kami..” ani Diane habang tinutulak ko sila palabas..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...