Chapter 27

706 27 2
                                    

~*~

Matheo Mejia

“Mom, kailangan mong hiwalayan ang lalaking yon.. Ipapahamak kalang nya” pilit akong nakikiusap kay mommy na hiwalayan nya si Warren.. Kanina pa mula pag-uwi ko galing dun sa lugar na 'yon..

“Ano bang sinasabi mo anak?? Diba ikaw na mismo nagsabi na pumapayag kana sa'min?” naguguluhang tanong ni mommy..

“Ipapaliwanag ko din po sa inyo pero sa ngayon pakinggan nyo ako mommy” pagpipilit ko sa kanya..

Naguguluhan man si mommy pilit itong tumingin sa akin at ngumiti.. Ngumiti din ako dito, hinawakan ni mommy ang pisngi ko at nginitian akong muli..

“Anak, gusto kitang pakinggan, gusto kitang sundin pero naguguluhan ako.”

Napa-hinga nalang ako ng malalim.. Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng mangyare sa buhay namin, ganito pa??. Ayokong masira ang buhay ko pero bakit nangyayare 'to?? Gusto ko ng buhay na payapa pero may naninira.. Gusto kong maging maayos 'to pero anong gagawin ko??..

Lumipas ang ilang araw pero walang nangyare.. Si mommy hindi nya magawang hiwalayan si Warren tapos ako? Wala akong magawa.. Kahit na pigilan sila pag nakita ko si mommy na masaya.. Wala na, kahit na tutol ako..

“Hey, Theo” napa-lingon ako kay Jia na kanina pa pala ako kinakausap. “Are you okey??” tanong nito, tumango ako sa kanya..

“Hey” muli ko itong binalingan ng tingin.. Halata sa mga mata nito ang pag-aalala at pagtataka sa inaasta ko.. “Tatlong araw ka nang ganyan, may problema ba?” tanong nito sa akin..

Tingnan nyo.. Even though she's here, the only girl who can distract me, still can't help myself thinking about what I should do next.. Kase kahit sya parang di ko na napapansin.. Masyado na akong nagiging tuliro dahil lang sa bagay na nalaman ko?? Paano pa kaya kung malaman ko na kung ano ba talaga ang talagang nangyayare sa buhay namin?? Sino pang masasandalan ni mommy, sino pang sasalo sa kanya kapag ako mismo ang nauna nang pinag-hinaan ng loob at agad na bumagsak? Sino pang magpapalakas ng loob niya kapag nalaman nyang hindi pa nangsisimula ang lahat ay sumuko na ako?? Paano nalang??.

At paano ko magagawa ang gusto ko kung ganito?? Plano kong iligtas sila pero paano nalang kung sarili ko mismo ay di ko mailigtas? Paanong nalang sila?? Ang mga taong nagmamahal at minamahal ko??? Ano nang mangyayare sa kanila??..

Bumuntong hininga nalang ako bago tinignan ng mata sa mata si Jia na hanggang ngayon ay alalang naka-tingin sa akin..

“No, I'm fine.. Pagod lang siguro ako” sagot ko sa kaninang tanong nito..

“Sigurado ka??” she asked concerned..

Tumango naman ako.. “Pahinga lang siguro ko.. K-kase.. Alam mo na.. Uhmn.. Ganito kase, 2 days na akong di gaanong nakaka-tulog ng maayos k-kase... K-kalalaro ko ng ML” ang tangang palusot Theo.. Ang tanga...

Tumango nalang ito sa akin at ngumiti.. Tama.. Be brave, Theo.. Ikaw lang ang makakapag-palakas sa sarili mo at wala ng iba.. Hindi mo kailangan ng iba para maging malakas ka..

~*~

Jhiea Cortez

Buntong hininga akong humarap sa salamin.. Maniniwala ba ako? O hindi?? Pero kase... Argh. Naguguluhan ako...

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon