~*~
Matheo Mejia
“Anong ginawa mo sa kanya?” inis na sabi ko habang hawak hawak ang braso ni Pauline.. Andito kami ngayon sa hallway.. Wala ng mga estudyante dito dahil nga uwian na..“T-theo.. N-nasasaktan ako” sambit ni Pauline habang umiiyak.. Sa tingin nya ba makukuha nya ako sa paiyak iyak nyang yan, yung ginawa nya kay Jia hindi naman na maayos ang ganun.. Alam kong sinadya nyang tapunan si Jia ng sopas..
“Wala akong pakialam... Sagutin mo nalang ako!!!” sigaw ko dito dagilan para magulat ito..
Parang bigla naman akong nagbalik sa totoong pag-iisip ko dahil sa di ko malamang dahilan..
Unti unti kong binitawan ang pagkakahawak ko sa braso ni Pauline at huminga ng malalim..
“Umalis kana” malamig sa sabi ko.. Agad naman itong tumakbo paalis habang umiiyak..
Napa-hawak nalang ako sa ulo ko at napasabunot sa buhok ko..
Ano ka ba naman Theo, matino ka pa ba? Bakit mo nagawa yun??? Sobra naman na.. Alam kong mahal mo si Jia at ayaw mong napapahamak sya pero mali, mali yung gawin mo yun kay Pauline..
Napa-sapak nalang ako sa sarili ko...
Kailangan ko si Riene ngayon.. Kailangan ko sya..
~*~
“Sige lang, ibuhos mo lang lahat” sambit ni Riene habag hinahaplos haplos ang likod ko..
Nandito ako ngayon sa kwarto nya. Naka-upo sa sahig habang hawak ko ang ulo ko, umiiyak...
“Sobra na akong naguguluhan Riene..” sambir ko habang umiiyak.. “Hindi ko na alam ang nangyayare sa akin.”
Hindi ito sumagot kundi ay patuloy ang pag-haplos nito sa likod ko..
Lumipas ang ilang saglit medyo kumalma na ako.. Naka-upo padin ako dito sa sahig habang nakatingin sa kawalan.. Hindi ko maramdaman kung may kinauupuan ba ako dahil pakiramdam ko ay para akong lumulutang..
“Tumayo ka” hinawakan ni Riene ang braso ko at tinulungan akong tumayo.. Dinala nya ako sa kama nya at pinaupo.. “Dito kana lang muna matulog ngayong gabi, sasabihin ko na lang kay tita.” sambit nya..
Hindi ako sumagot,.
“Humiga kana. Magpahinga kana lang” sambit nito. Sinunod ko naman ito at nahiga na ako sa kama nya.. Inalis nito ang sapatos ko at kinumutan ako..
At dahil sa pagod sa kaiiyak, hindi ko na namalayan na nakatulog na ako..
~*~
*
Pasipol sipol ako habang naglalakad papunta sa locker ko, masyado pang maaga ngayon ah. Mukha yatang napa-aga ako ng pasok.. Palingon-lingon lang ako sa paligid habang nag eenjoy sa paglalakad.. Pakiramdam ko pa lang mukhang magiging masaya ang araw ko ngayon ahh..Paliko na sana ako para tuluyang makapasok sa ako kung saan ang locker namin ng bigla akong napa-hinto sa paglalakad, at agad na nagtago sa pader.. Si Jia. Anong ginagawa niya dun sa locker ng mga boys?.
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Novela JuvenilBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...