Chapter 28

612 24 0
                                    


~*~
Matheo Mejia

Matapos kong maghilamos ng mukha, agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.. Sabado ngayon at sobrang boring dito sa bahay.. Kaya ngayon palang nag-iisip na ako ng pwedeng gawin na nakakabawas ng pagkabagot...

Pagka-baba't pagka-baba ko pa lang sa hagdan, bigla nalang akong kinilabutan ng may yumakap sa akin ang mga ugok.

Theooo!!!~ namiss ka naminnn!!” sigaw ni Nathan hyung na sya talagang naka-yakap sa akin ngayon ng harapan, si Brian hyung at si Timothy ang nakayakap sa mga binti ko, si Cody hyung naman sa likod ko, habang si Alex at si Kyle hyung ay sa magkabilaang tagiliran ko..

“Argh.. Hyung!!.”

Agad ko silang tinulak palayo sa akin ng mapag-tanto kung ano ang itsura namin..
Pakiramdam ko ay kinapitan ng alinta ang buong katawan ko dahil sa pangingilabot na nararamdaman ko.. Hinaplos ko ang mga balahibo ko sa braso na ngayon ay tayong tayo dahil sa pangingilabot..

“Hindi naman kami higad para mangilabot ka ng ganyan sabi ni Brian hyung na ngayon ay naka-upo sa sahig katabi si Tim na naka-tingin sa akin..

“Oo nga naman” halos malukot naman ang noo ko ng makitang may mga luhang tumutulo sa mga mata ni Nathan hyung.. Anong nangyare dito??.. Nakaka-inis kang hayop ka, akala ko di mo na kami kaibigan e.” at saka ito suminghot at parang batang pinunasan ang luha nya gamit ang likod ng kamay nya..

“T-teka?? Ano bang ginagawa nyo dito??” tanong ko..

Dumiretso ako sa kusina, at sumunod naman yung anim.. Nadatnan ko doon si mommy na nagkakape.. Nakipag beso ako dito.. “Morning, mom”

“Morning”

Bumati ang mga ito kay mommy at ako naman ay dumiretso sa sink para hugasan yung apple na hawak ko..

“Tita, saan po ba pinag-lihi yang anak nyo?? Bakit ganun?? Ang bilis nya kaming palitan??” umiiyak pa din na sabi ni Nathan hyung.. Bakit ba umiiyak sya??? Iniwan ba sya ng kabayo nya??..

Natawa si mommy sa sinabi nito..
Napa-ngiwi nalang naman ako.. Kaaga aga andito, tapos bigla nalang mang yayakap ng ganun, nakaka badtrip sila, parang 5 taon nila akong di nakita samantalang lagi naman kaming nagkikita sa school..

“Bakit ba kayo nandito??” diretso lang akong naka-tingin sa kanila sabay kagat ng apple..

“Bakit kase para ka na lang tanga sa school, di ka halos mamansin, may problema ka ba??” tanong ni Kyle hyung, bigla naman akong naging seryoso sa tanong nya..

Huminga ako ng malalim bago tumingin kay mommy, sumenyas ako na lalabas muna kami, tumango naman ito bilang sagot..

Agad akong umakyat sa kwarto ko at nag-bihis.. Agad naman kaming umalis sa bahay at dumiretso sa dorm ni Alex hyung..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon