Chapter 5

1.2K 53 9
                                    

~*~

Jhiea Cortez


“Yup, I'm here na.. Papasok na ako ha.” ibinaba ko na ang tawag at inayos ang sarili ko.. Kaloka ang isang Kyla Dizon.. Ipapahamak pa ako.. Iinom inom kase di naman kayang umuwi.. Ayaw nya din namang umuwi sa bahay nila at ngayon ako ang kinukulit ni Diane.. Andun na din sa loob si Diane pero di nya mapilit yung si Kyla kahit na tulog na tulog ako sa bahay, ginising nila ako para lang dyan..

Pagpasok ko sa loob agad ko silang hinanap.. Nilibot ko ang paningin ko, sobrang ingay naman sa bar na 'to.

Nakaka bagot naman ang mag stay dito.. Puro tugtugan, wala namang kwenta..

Agad ko silang nilapitan nang makita ko sila Diane sa sulok ng bar

“Ano bang nangyare dyan?” inis na inis kong pambungad sa kanila.. Kahit kelan talaga, ayokong napupunta sa maiingay na lugar.. Ang pangit dito sobra.. Puro hiyawan.. At isama mo pa yung ingay ng mga basong nagkakarantungan sa bawat sulok nitong bar.

“Hindi ko nga alam e. Bigla nalang ako tinawagan at sinabing mag-inom daw tayo. Tapos nun kinabahan na ako kaya tinanong ko na lang kung nasaan sya kaya eto.” pasigaw na paliwanag nya. Pag ako lang nagpatayo ng bar. Gusto ko walang tugtog.. Tahimik lang, parang library..

“Oy!! Hi, Jia.. Halika inom tayo dali!!” hinila ako ni Kyla at pinaupo sa tabi nya..

“Kyla, ano ba yan.. Tama na nga. Akin na yan” inagaw ko yung baso ng alak na hawak nya at nilayo sa kanya.

“Ano ba!! Jia naman!!” tumayo ako agad at inilayo ang baso sa kanya.. Bakit ba naglalasing ang isang 'to? Hindi naman siya magiging ganito kapag walang problema.

“Kyla tama na. Lasing kana.” nilapag ko yung baso. “Tara na, uuwi na tayo..”

“Hindi!!. Ayoko!!. Ayokong umuwi.” agad nyang dinampot yung bote at tinungga ito..

Napa-hinga ako ng malalim. “Kyla, tama na.. Uwi na tayo”

“Ayoko nga sabi e.!!” nagulat ako ng bigla itong tumayo.. “Ayokong umuwi!! Please, Jia.. Wag sa bahay.. Please.” umupo ito at hinawakan ang kamay ko.. Nagmamakaawa syang naka-tingin sa akin, tumulo bigla ang luha.. Sabi na nga ba, may problema sya..

“Okey.. Hindi tayo uuwi sa inyo.. Dun tayo sa bahay namin.. Okey..” sambit ko at pinunasan ang luha nya.. Tumango naman ito.. “Sige. Tara na.”

Hinila ko sya patayo.. Inalalayan namin sya palabas.. Habang naglalakad kami biglang may nabunggong babae si Diane.

Dahil sa pagkakabangga sa kanya ni Diane nabitawan nito ang hawak nyang isang bote ng alak..

“What The hell!!”

“Oh, I'm sorry miss. Di ko sinasadya.” paghingi ng sorry ni Diane.

“What?? Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo ha? Nabitawan ko yung alak ko.. Sa tingin mo ba may magagawa yun ha??.. Ano maiinom ko pa ba yang alak na nasa sahig na?? Sagutin mo nga..” medyo nainis ako sa sinabi nito.. Ang kapal naman ng isang 'to kala mo kung sinong perpekto at nagpapaka mataas..

“Ano?? Sige. Ikaw inumin mo yan!!” nagulat ako ng bigla nitong hilain ang buhok ni Diane dahilan para mapayuko ito.. Agad kong binitawan ang isang braso ni Kyla. Lumapit ako at hinawakan yung kamay nung babae.

Tinignan ako nung babae. “Sino ka naman?” mataray na tanong nito..

“Di mo ba naintindihan ang salitang Sorry?” tanong ko sa kanya.. Hinila ko naman si Diane papunta sa likod ko..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon