~*~Matheo Mejia
Hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko sa mga nalaman ko kanina lamang.. Hindi ko maisip na noon pa sya kasama sa gulong 'to.. Hindi ko magawang ipasok sa isip ko na mas kailangan ko na syang protektahan ngayon ng malapitan dahil sa napasok na sya sa gulo.. Alam kong hindi madali ang mapasok sa gulong ito lalo na't maaring mapahamak ang isa sa mga taong mahalaga sa akin..
Naupo nalang ako sa sofa at isinubsob ang mukha ko sa aking palad..
Hindi ko alam ang nangyayare? Bakit ngayon pa?? Kung alam ko lang na ang kompanyang iyon ang kakompitensya ng kompanya namin na pinapatakbo ni Warren, noon ko pa sana inilayo si Jia sa kanya.. Alam kong hindi ko magagawang ilayo sya ng totohanan, gaya ng ilayo sya at dalhin sa ibang bansa, kundi ang mailayo sya sa mga naka-ambang kapahamakan na maaring nag hihintay sa kanya..
Mula ng marinig ko ang usapan ni William at ng daddy nya sa cellphone kanina hindi ko na magawang mag concentrate pa sa klase, at ngayon hindi ko magawang pakalmahin ang sarili ko kahit na nandito lang ako sa office ni dad noon,.
Narinig ki ang biglang pag-bukas ang pinto kaya napa-angat ang tingin ko, at nakitang pumasok si Timothy,. “Bakit hyung?” tanong nito sa akin at saka naupo sa tabi ko..
“Anong gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko at pati na din sa kanya..
“Ano bang nangyare?” tanong nito.. “Wag mo sa'king sabihing liligawan mo na talaga si Ji~”
“Si Jia ang anak ng may-ari ng ClanCom.” sambit ko dahilan para mapa-tigil ito sa pag-sasalita..
Natikom ang bibig nito ng ilang saglit bago sabihing.. “Shit” alam ni Timothy ang nangyayare sa buhay ko pati na din sila hyung.. At hindi maiiwasan sa kanya ang mag alala din dito dahil alam kong mahalaga nadin si Jia sa kanya dahil sa pagkakaibigan nila..
“So, what's your plan, Hyung?” tanong nito sa akin.. Huminga ako ng malalim ng had ndi tumitingin sa kanya..
“Like what's you said before,” nilingon ko ito.. Alam kong mahirap ang gagawin ko lalo na't iniisip ko ang kapakanan nya.. Madali sigurong gawin ang panliligaw.. Mas lalo ko man syang inilalagay sa panganib, pero hindi ko na sya maiaalis pa doon sa ngayon dahil sangkot na sya.. “I think, that's the only way para maprotektahan natin siya ng malapitan” sambit ko..
Napa-ngisi naman ito at napa tango.. Alam ko iniisip ng isang 'to.. Kahit na alam nyang gagawin ko yun para mailigtas si Jia. Mas iniisip pa din nya ang pag-tingin nya kay Kyla..
Napa-iling nalang ako sabay tayo.. Dinampot ko ang magazine na nasa mesa at ipinukpok ito sa ulo nya at saka sya iniwan na kakamot-kamot ng ulo..
Kahit kelan talaga..
~*~
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Fiksi RemajaBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...