~*~
Matheo Mejia
"Yahh!! GISING!!!!!!!!!" Kanina pa ako nagtatakip ng tenga ko sa ingay ni Riene na andito ngayon sa kwarto ko at nang gigising.. Ano bang problema ng isang 'to?. Ang aga aga nambubulabog..
Inalis ko ang kumot ko na naka talukbong sa akin.. "Ano bang problema mo??" iritang tanong ko.. Kung di ko lang kaibigan 'to at kung di ko lang sya na-miss dahil sa tagal naming di nagkita, malamang e kanina ko pa 'to pinalayas at sinigaw sigawan dito.. Nakaka irita kase e. Inaantok pa ako..
"Sa wakas!!! Gising kana!! Whoo. My goshh.. Napagod ako" aniya sabay paypay sa sarili nya..
"Bakit ba?? Ang aga aga nang gigising ka." inis na sabi ko sa kanya.. Sabay kamot sa likod ng tenga ko.
"Eh pano, yung akala kong na-miss mo ako ay parang di totoo, kase imbis na nag b-bonding tayo hindi e.." sambit nito sabay simangot..
Ano ba talagang kailangan neto?. "Ano bang kailangan mo?"
"Wala akong kailangan sayo, ang akin lang, lumabas ka din naman kase, wag mong ikulong ang sarili mo sa kwarto mo. Mag paka saya ka naman Theo!" anito..
Kinunotan ko naman sya ng noo,. "Hindi ko kinukulong ang sarili ko.. Sadyang maaga palang talaga ngayon kaya andito pa ako" sagot ko.. At kahit gusto kong samaan ng tingin etong babaeng nasa harapan ko, hindi ko magawa.
"Psh, ang sabihin mo mas gusto mo lang talagang mag isa.." sambit nito at umupo sa kama ko.. "Tsaka, two days na ang nakakalipas hoy, mula nung dumating ako.. Di mo man lang ako puntahan sa bahay.. Monday nanaman tomorrow kaya siguradong di tayo madalas mag kikita" sambit nito at tsaka tumayo..
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko dito..
"Hmn" nilagay nito ang kamay nya sa baba nya na para bang nag iisip.. "Simple lang naman, tumayo naman dyan at ayusin ang sarili mo." sambit nito at hinila ako paalis sa higaan..
"Alam mo ikaw, kung di lang kita na-miss talagang di kita papansinin e. Inaantok pa ako e." sabi ko habang naglalakad papunta sa bathroom ko..
"Sus, di mo kayang gawin yan.."
"Yun ang akala mo"
"Ay hindi.. Pumasok kana lang dyan at ayusin mo sarili mo.. Ayokong nag mumukha kang losyang" napa harap ako bigla sa kanya habang may kunot na noo..
"Para sabihin ko sayo, kagigising ko lang po.. Tsaka wag na wag mo nga akong igaya sa'yo" sabi ko habang may nakakalokong ngiti..
"Aba't gago ka ah!" agad akong pumasok sa bathroom ko at sinarado ang pinto bago pa nya ako maabutan. Lago na baka mamaya lumabas ako ng may pasa sa mukha. Ayoko din namang mangyare yun, dahil sayang 'ting kagwapuhan ko kung mawawala nalang bigla ng ganun diba..
"Hayop ka!! Bilisan mo na dyan at bumaba kana!! Bwisit!!" sigaw ni Riene mula sa labas.. Tinawanan ko lang naman sya ng malakas habang nasa loob ako ng bathroom.. Napa iling nalang ako ng marinig ko yung malakad na kalabog ng pinto ng kwarto ko.. Lagot na, nagalit na sya..
~*~
"So, what now?" tanong ni Riene habang nag titingin ng mga katana dito sa secret room ng bahay nila.. "Na-try mo na ba ulit gumamit ng ganito??"
Tinignan ko sya. Medyo napa tango ako na napa iling. "Y-yes.. Kagabi" sagot ko.
Tinignan naman ako nito ng parang nagulat.. "Oh? Seryoso ka??"
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...