Chapter 38

558 19 6
                                    


~*~

Matheo Mejia

.
Matapos ang isang linggo at ang pangyayareng iyon, bumalik sa dati ang lahat. Ang mga bagay na nawala sa amin ay muling napasakamay sa pamilya namin.. Ang kompanya ay bumalik sa dating ayos nito dahil sa tulong ng ClanCom, ang kompanya ng mga Cortez.. Sa kabila ng nagawa sa kanila ni Warren ay nagawa pa rin nila kaming tulungan.

Ang dating warehouse ni Warren ay sinira na. Wala na din ang mga kasangkapan doon na maari ay makakatulong sa paggawa ng droga.. At ang school naman ay napasakamay na din namin. Si Warren naman ay nakakulong na. Habang si William naman ay nasa bahay lang nila. Pero paminsan-minsan ay nagpupunta ito sa bahay. Bumalik naman na ang dating kami e.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang naka-tingin kay mommy na ngayon ay busy sa kaniyang ginagawa, siya na ang pumalit sa dating puwesto ni dad. Nahihirapan man syang mag adjust para sa gawaing ito ay kinakaya nya pa din.

“Hay!! Bakit ba kase pinanganak akong walang kaalam-alam sa business industry?.” napa-ngiwi si mommy habang nag-iinat. Napangiti ako at saka tumayo.

“Kaya nyo yan mom” tumingin sa akin ito at ngumiti. Tumayo ito at lumapit sa akin.

“Salamat, baby boy” napa-ngiwi ako ng guluhin nito ang buhok ko. Agad ko din naman iniwas ang ulo ko.

“Mom, yung buhok ko” iritang sabi ko saka hinawakan ang kamay nya at binaba..

Tiningnan ako nito ng nakakaloko. “Grabe kang mag-ayos di mo pa naman naliligawan si Jia” nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nito.

“Paanong~”

“Sorry napilitan ako e.” napalingon ako sa pinto ng may pumasok. “Alukin ba naman ako ng isang brand new car para lang dyan” napa-kuyom ang kamao ko ng makita si Nathan hyung. Pinapaikot nito sa kanyang daliri ang susi ng sasakyan.

Bakit ko ba naging kaibigan ang isang 'to?. Matino naman sya e pero napaka-daldal...

Napa-lingon akong muli kay mom. “Kalma. Tinanong ko lang naman e. Pero para sigurado” tumango ito.

“Wala e. Bigyan ba naman ako ng isang bulto ng mga book” pumasok si Kyle hyung na may dalang libro.

“Oo nga, hindi na ako tatanggi kung bigyan ako ng mga kitchen utensils. Hilig ko ang magluto alam mo yan” ani Alex hyung ng pumasok ito. May hawak itong pagkain na sya kinakain nya.

“Mahirap tanggihan ang isang taong libre sa gym” pumasok si Tim, umakbay naman sa kanya si Brian hyung at tinignan ako. Ngumiti ito. “Mahirap magkaroon ng abs kaya, kailangan konding panatalihin ito. Siguro sapat na ang isang taon 'no” ngumiti sa kanya si Timothy at tumango. Pareho naman nila akong tinignan.

“Ey" napahiwalay ang dalawa sa isa't isa ng paghiwalayin sila ni Cody hyung. May suot itong headset na mukhang bagong bago pa lang. “Madami na akong nasulat na kanta, may mga beat na din.” tumungo ang tingin nito kay mommy. “Salamat tita” anito.

Napanganga ako dahil sa mga sinasabi nila. Ibig sabihin lang nito wala ni isa sa kanila ang nakaligtas sa offer ni mommy.

“Akala ko mga kaibigan ko kayo?” hindi ko maiwasang simangutan silang lahat.
“Bakit nyo sinabe?!!!!” inis na sigaw ko. Sinipa ko din ang sahig dahil sa sobrang pagkainis.

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon