Chapter 6

1.1K 46 8
                                        

~*~

Jhiea Cortez

"

"Okey, girls.. Pagtapos nyong mag-ayos ng mga gamit nyo lumabas na kayo dyan at kakain na tayo para maaga na din kayong makapag-pahinga okey.."

"Yes, sir" saby saby naming sabi at lumabas na si Sir. Kararating lang namin dito sa isang island kung saan magaganap ang field trip namin.. Dito kami mag s-stay for three days para sa mga activities at ibang magaganap sa field trip.. Etong type ng field trip na'to ang talagang ginaganap every year for the graduating students.. Hindi lang para sa mga memorable memories, kundi para na din makapag-sama sama lahat at maging magka-kaibigan..

"Jia, tapos kana bang mag-ayos dyan?? Tara na" pag-aaya sa akin nila Kyla.. Lahat sila tapos na, at ako nalang ang hinadi pa. Bale-walo kaming magkakasama sa isang kwarto at kasama ko sila Kyla and Diane.. Napansin ko din na kami nalang tatlo ang andito..

"Sige, mauna na muna kayo. Iaayos ko pa kase yung ibang gamit ko. At pati na din yung mga snacks natin mamaya. Sunod nalang ako." sagot ko sa kanila..

"Sure ka?? Samahan kana lang namin" sambit ni Diane..

"No, it's okey.. Kaya ko na, sunod nalang ako." Ngumiti ako sa kanila..

Napa-tango nalang naman silang dalawa. "Okey, sunod ka ha."

Ngumiti nalang ako at tumango.. Pag-alis nila umupo ako sa kama ko.. Napa-tingin ako dun sa daliri ko.. Namumula padin sya at may konting dugo.. Kanina kase nung nag-stop over kami para kumain may hinawakan akong kawayan na di napakinis, at kaya ako nasugat ay dahil hinila ito ng isa ding kasama naming estudyanteng lalaki..

"Ouch!" napa-hawak ako sa daliri ko na ngayon ay dumudugo na.. Ang hapdi..

"Hala, sorry.. Di kase nag-iingat e. Sorry" pag-hingi naman ng paumanhin nung estudyanteng lalaki..

"No, it's okey. Medyo mahapdi lang." sambit ko..

"What the hell!!! Anong nangyare dyan??" napa-angat ang tingin ko at nakita ko si Theo.. Hinawakan nito agad ang kamay ko at tinignan.. "Masakit ba?" tanong nito..

"A-ah... H-hindi naman Theo.. Mahapdi lang." sagot ko.. Bigla nitong hinarap yung estudyante..

"Antanga mo naman!! Hindi mo ba maiisip na makaka-sugat yun? Tapos hinila mo pa!!" sigaw nito doon..

"A-ahh. T-theo.. Hayaan mo na sya.. Di naman nya sinasadya, pagtapos nun ay hinila ko na palayo sa kanya si Theo..

At hanggang ngayon naguguluhan padin ako sa mga ganong kinikilos ni Theo.. Kung maka-tingin sya sa akin napaka-cold nya pero bakit ganun sya magalit kanina??.

Huminga ako ng malalim.. Siguro nga ganun talaga sya sa mga kaibigan nya., pero di naman nya ako kaibigan e. Di nya ako kilala bilang ako.. Kilala nya lang alo bilang Jhiea Cortez pero di bilang isang babae..

Tumayo ako at nilapag yung pouch ko sa mesa.. Tinignan ko ang oras sa phone ko.. 6:50 na ng hapos.. Madilim-dilim na din..

Matapos kong iayos lahat lumabas na ako ng rest house at naglakad papunta sa kabilang rest house kung saan kami kakain..

Medyo kinikilabutan ako, paki-ramdam ko parang may naka-tingin sa akin.. Para may nagmamasid sa akin..

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may humawak sa akin at tinutukan ako ng kutsilyo.. Tinakpan nito ang bibig ko para di ako maka-sigaw..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon