~*~Matheo Mejia
Nagmadali akong umalis ng bahay at agad na sumugod sa hospital matapos kong malaman ang nangyare kay mommy.. Matapos kong malaman ang numero ng kwarto kung nasaan sya ay agad akong tumakbo papunta dito..
Nang makita ko kwarto nya ay papasok na dapat ako ng pigilan ako ng mga gwardyang nagbabantay dito..
Napa-kunit nalang ang noo ko ng sinabi nilang bawal ako dito..
“Ano ba! Bitawan nyo ako!” nagpumiglas ako at hinawi ang mga kamay nilang humahawak sa akin. “Anak ako ng pasyente dyan kaya pwede ba papasukin nyo ako!!”
“Pero sabi po ni Sir Warr~”
“Wala akong pakialam sa kanya!!” sigaw ko sa kanila at tuluyang pumasok dito.. Pilit man nila akong pinipigilan pero hindi ito naging hadlang sa akin..
Ng makita ko si mommy na naka-higa ngayon sa loob ng kwartong yon ay agad akong lumapit dito. May mga galos ang mukha nito at may malaking sugat sya sa braso na nababalutan ng benda ngayon..
“Mom” hinawakan ko ang kamay nito.
Wala ni isang tao dito sa loob kundi kami lang dalawa.. Bumukas ang pinto kaya napalingon ako dito..
“Mat~ ano ba!! Bitawan nyo ako!!” sigaw ni Cody hyung ng hawakan sya ng mga lalaking humarang din sa akin kanina.
“Papasukin nyo sya at umalis na kayo” sambit ko ng makalapit sa mga ito..
“Pero ang sabi po sa amin ay bantayan~” hindi ko na ito binalak patalusin pa dahil ako na mismo ang tatapos. Hindi lang dito kundi sa lahat.
“Wala akong pakielan sa Warren na 'yon. Ang gusto ko lang ay umalis kayo dito bago ko pa isuplong sa pulis ang gagong amo nyo” malamig kong tugon sa kanila.. Bahagyang nagulat ang mga ito ng maramdaman ko ang pamamalit ng kulay ng aking mata.. Hindi ko alam kung anong klaseng kakayahan ito pero meron kaming pito neto. Lalo na kung magkaka-harap harap kami..
Walang tutol na umalis ang dalawang lalaking nagbabantay dito kanina. Pinapasok ko naman sila Cody hyung..
“Hyung, kamusta na si tita?” tanong ni Tim na ngayon ko lang napansin.. At gaya ni Tim ngayon ko lang din napansin si Kyla na andito din, bumilis naman ang tibok ng puso ko ng makita ang naka-ngiting mukha ni Jia. Napa-ngiti na lang din ako..
“Sa tingin ayos naman na. Kadarating ko lang din gaya nyo” sagot ko at muling ibinalik ang tingin ko kay mommy na nagpapahinga pa din.
“Nang nalaman namin ang nangyare agad kaming pumunta dito” nabaling naman ang tingin ko kay Jia ng lumapit ito sa akin.. Naka-tingin ito kay mommy at halatang nag-aalala.. “Ngayon ko lang uli sya nakita ng personal” bulong nito..
Teka ano? Nag-kita na sila ni mommy?
Ibinaling nito ang tingin nya sa akin.. “Ikaw? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito.. Nakaramdam naman ulit ako ng kaba. Naalala ko yung panaginip ko kanina, hindi ito pangkaraniwang panaginip lang..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...