~*~Jhiea Cortez
Nagmadali akong lumabas ng kwarto ko ng nalaman ang nangyare kagabi, kailangan kong puntahan si Kyla at kailangan kong malaman ang nangyare.. Ilang bese akong tinawagan ni Diane kagabi pero di ko man lang nasagot dahil sa sobrang kalasingan ko.. Sinukbit ko ang shoulder bag ko sa balikat ko at bumaba sa hagdan.
“Jia” tutol na tawag sa akin ni Zinn habang sinusundan ako.. “Hindi ka pa okey”
Hinarap ko ito at tinignan. “I'm okey, Zinn.. Please.. Kailangan kong puntahan si Kyla.” pag mamakaawa ko sa kanya..
“Pero may hang over ka pa. Mamaya napano~”
“Sasamahan mo naman ako di'ba?” putol ko sa kanya.. Napa-tingin nalang ito sa akin.. “Please” tinignan ko ito mata sa mata dahilan para mapa-tango ito.. Niyakap ko ito ng maramdaman ang sakit ng ulo ko..
“Okey. Pero kai~”
“Hyung” pareho kaming napa-lingon ni Zinn sa guestroom namin kung saan natulog si Zinn..
Kumunot ang noo ko ng makita si Tim na lumabas doon..
“Tim?” naguguluhan akong napa-tingin kay Zinn at kay Tim.. Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito??
“Dito ko sya dinala matapos ang nangyare kagabi” sambit ni Zinn at agad na umakyat para tulungang bumaba si Timothy na halatang meron ding hang-over kagaya ko.. Nakuwento ni Zinn lahat ng nangyare maging ang pag-amin nito na mahal nya si Kyla..
Walang emosyon ko siyang tinignan ng magkaharap na kami.. Hindi ko maramdaman ang saya dahil sa pagtulong nya kay Kyla. Oo masaya ako dahil niligtas nya ang kaibigan ko pero nananatili ang pag-aalala ko kay Kyla.. Kahit kase na alam ko at kilala ko na si Tim, meron at meron pa din sa loob ko na hindi magandang ipagkatiwala sa kanya si Kyla..
Mahal ko ang mga best friend ko at ayokong masaktan sya.. Pinanatili ko ang tingin ko sa kanya.. Napa-yuko na lang ito sa tingin ko.. Ramdam ko na sobrang guilty sya dahil sa paraan ng pag-tingin nya sa akin.. Pero guilty saan??
Napa-buntong hininga nalang ako at di napigilan ang pag-bagsak ng luha ko.. Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad na nilapitan at niyakap si Timothy.. Halatang nagulat ito sa ginawa ko pero kalaunan ay niyakap din ako nito..
“Thank you” bulong ko sa kanya.. Naiinis ako sa kanya dahil sa feelings nya sa best friend ko, wala akong karapatan pero hindi ko lang maisip yung mangyayare kung masaktan sya..
“I-i love her..” bulong nito pabalik sa akin.. Napa-kagat ako sa labi ko at di maiwasang sumilay dito ang isang napaka-gandang ngiti. Yung pakiramdam kong di ko maintindihan ay nabawasan dahil halata sa boses nito na seryoso sya sa sinabi nya.. Pero di pa din ako payag..
Humiwalay ako sa yakap at tinignan ang mukha nito. Basa ang pisngi nya at halatang umiyak ito, mugto ang mata nya at halatang inaantok pa.. Hinawakan ko ito sa balikat sya at tinignan sya sa mata..
Tinaasan ko ito ng kilay at sinamaan ng tingin.. “How dare you to love her without my permission??” nagulat ito sa sinabi ko. Napa-kagat ito sa labi nya at lumungkot ang mata..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...