~*~
Jhiea CortezIminulat ko ang mata ko nang masikatan ito ng sinag nang araw. Agad naman akong tumayo at dumiretso sa bintana nang kwarto ko.
Binuksan ko ito. “Good morning everyone!” sigaw ko at saka pumikit. Huminga ako ng malalim at inamoy ang mabangong amoy ng umaga.
Napa-ngiti nalang ako at agad na dinampot ang towel ko at dumiretso sa Bathroom.. Ginawa ang daily routine ko at lumabas na nang kwarto.
Bumaba ako nang hagdan at nilagay ang blazer ko sa sofa saka ako dumiretso sa kitchen kung saan nadatnan ko si mom at dad.
“Good morning mommy and daddy!!" Maskglang bati ko sa kanila.
Napangiti naman silang dalawa nang makita ako.
“Good morning princess” sambit nilang pareho. Agad naman akong lumapit sa kanila at agad silang hinalikan sa pisngi. Naupo din ako sa upuan ko at saka kumuha ng pagkain..
“Mukhang masaya ka ngayon anak ah” sambit ni mommy. Napa-tingin naman ako dito ng naka-ngiti.
“Wala lang po. Masaya lang kase maayos na ang lahat" sagot ko sa kanila. Napa-ngiti naman sila. Ngumiti ako pabalik at kumain na.
Bigla namang may pumasok na katulong namin sa kusina.
“Ahh. Ma'am Jia. May naghahanap po sa inyo. Matheo daw po.” halos maibuga ko ang iniinom kong juice nang marinig ang pangalan ni Matheo.
“P-po? M-matheo?” pag-uulit ko sa kanya.
Tumango naman ito. “Opo”
“Si Matheo. Bakit di nyo po pinapasok yaya" sambit ni mommy.
“Ah. Sige po” bago pa man makaalis si yaya ay nagsalita na ako.
“Hindi napo ya. Ako nalang po. Papasok na din po ako.” sambit ko at saka tumayo.
“Mommy" lumapit ako kay mommy at hinalikan ito sa pisnge. “Daddy.” ganon din kay Daddy. “Una napo ako.”
“Teka anak,” napa-hinto ako nang magsalita si daddy. “Pinopormahan kaba 'non?”
Natigilan ako bigla sa sinabi ni dad. “P-po? H-hindi po ahh.”
“Siguraduhin mo ha. Hindi porke't tinulungan niya tayo ay popormahan ka na nya. Tinulungan din natin sila sa problema nila ah!” halata sa boses ni daddy ang pagbabanta. Naguluhan din naman ako dito..
“Ano ba mahal. Hayaan mo na sila” sambit ni mommy..
“Anong hayaan? Hindi pwede. Sa akin ka sumabay” nagulat ako nang tumayo na si dad.
“Naku! Mahal. Iiwan mo ako? Hindi pa ako tapos.” natigilan naman bigla si dad.
“Kaya mo na yan. Pahatid kana lang mamaya. Mahalaga 'tong anak mo. Baka mamaya kung ano pang gawin ng lalaking 'yon” agad namang tumayo si mommy at hinarang si daddy.
“Hindi na. Sige na anak, pumunta kana.”
“Pero~”

BINABASA MO ANG
Words of my heart
TeenfikceBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...