Chapter 2

1.6K 61 8
                                    

~*~

Jhiea Cortez

“Thank you po tatay Delfin.. Ingat po pauwi!” bilin ko kay tatay Delfin, ang family driver namin.

“Sige iha, ikaw din ha maiingat ka diyan. Tsaka nga pala anong oras kitang susunduin mamaya?” tanong nito.

“Gaya po ng dati”

“Gaya ng dati, osya sige.. Mag-aral mabuti ha!” bilin nito at saka na ako lumabas ng sasakyan.

“Opo!” sagot ko at tuluyan na syang umalis..

Naglakad naman ako papasok sa school. Bago pa man ako pumasok, huminga muna ako ng malalim.. Panibagong araw nanaman para umasa Jia.. Kaya mo pa ba?..

“Jia!” napalingon ako bigla at nakita ko si Janine na palapit sa akin, isa sa mga k-klase ko.. Si Diane at si Kyla kase nahiwalay sa'kin ng section kaya ayun..

“Oh! Janine.”

“Papasok ka na?” tanong nito.. Tumango naman ako sa kanya at ngumiti. “Tara”

Sabay kaming pumasok sa loob..

“Teka, natapos mo na ba yung project natin sa English,. Napa-aga daw ang pasahan nun e. Bukas na” bigla kong naalala yung project namin na dapat e ginawa ko nung Christmas vacation..

“Ayshet! Oo nga pala.. Hala nakalimutan ko, ikaw ba?” Napakamot nalang ako sa batok ko.. Ano ba naman yan Jia, sa sobrang kahiligan mo sa gala yan tuloy nakalimutan mo yung dapat na gagawin mo.. Hayop na yan, bwisit kase yang Theo na yan e.. Kung ano anong ginagawa sa akin yan tuloy nakalimutan ko na may project pa kami..  “Hay, di bale. Ihahabol ko na lang.. Kaya lang yan.. Mag o-overtime nalang ako mamaya sa library”

“Okey, yung akin nga hindi ko pa din tapos e.. Pero malapit na. Tsaka alam ko namang kaya mong matapos yan, magaling ka kaya sa English” napa-ngiti nalang ako kay Janine..

“Naku! Ikaw naman talaga. Pero salamat sa pag c-cheer up ha.”

“Wala yon, sige una na ako dun sa upuan ko.” tumango nalang naman ako sa kanya..

Naupo nalang din ako sa upuan ko at hinintay ang teacher namin..

Grabe, antanga ko talaga. Bukas na talaga yung pasahan nung project namin pero bakit di ko man lang nalaman??.. Aist..

Malamang, Jia.. Tatlong araw mo ding di chinarge yung cellphone mo dahil sa pagmu-mukmok sa walang kwentang bagay.. Antanga mo..

Pero kainiss. Bakit ko ba kase nalimutan yun..

“Miss Cortez, may problema ka ba?!!” halos napatalon ako sa gulat ng sigiwan ako ni Mr. Lee, dahilan para matauhan ako.. Bwisit na matanda to ah.. Pwede namang di ako sigawan.. Wala ng nagawang tama to' sa'akin ha.. Noon pa ko pinag-iinitan neto,.. At ang tagal tagal ko na ding pinagda-dasal na sana di ko na maging teacher tong isang to pero malas talaga, palagi nalang sya ang nagiging English teacher namin..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon