Chapter 34

492 23 0
                                    


~*~

Jhiea Cortez

Agad kaming tumakbo papasok ng hospital, mabilis kaming nakarating sa room ni tita. Agad pumasok sila Theo sa loob nito ngunit ako ay napahinto nalang at di magawang ihakbang ang mga paa ko papasok.

May nagtutulak sa aking umalis ngunit hindi ko magawa. Ang damdamin ko ay gustong manatili dito lalo na't alam kong kailangan ni Matheo ng mga kaibigan..

Nagulat ako, naihakbang ko ng isa ang aking mga paa ng makita kong sinuntok nya ang pader malapit sa kanya. Bigla na lang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang malakas na pagsigaw nya mula sa loob. Hindi ko mapigilang mapaluha ng makita ang sunod sunod na pagsuntok nito sa pader dahilan upang dumugo ang  kamao nya.. Para akong nabingi at tanging ang sigaw nalang nito ang naririnig ko..

Pinipigilan na sya nila Brian ngunit hindi nila magawang pigilan ito.. Marami na ding mga taong nakitingin dito, may mga doctor at mga nurse na narito, kahit ang mga guard ng hospital ay narito na din..

Nanatili akong nakadungaw kay Theo mula sa labas.. Pinanuod ko kung paano nito panggigilan ang pader na nasa harapan nya. Parang wala lang sa kanya ang nangyayare at di nararamdaman ang sugat sa kamao nya.. Medyo kumalma na din ito at nanatiling nakalapat ang kamao nito sa pader habang nakayuko't umiiyak..

Nilingon nito ang labas at dumapo sa akin ang tingin nya.. Tinitigan ako nito. Hindi ko maiwasang maawa sa kanya dahil sa pinagdadaanan nya ngayon.. Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kanya.. Bumilis din ang tibok ng puso ko..

Para akong nabibingi dahil maingay na din dito ngunit ang boses lang nya na tinatawag ako ang narinig ko.. Nanlaki ang mata nito, naramdaman kong may tumakip sa bibig ko.. Hindi ko nagawang gumalaw dahil sa pabanngong naamoy ko sa panyong itinakip sa bibig ko..

Muli kong narinig ang pagtawag sa akin ni Theo. Tumulo ang luha ko bago naramdaman ang unti unting pagpikit ng mata ko..

'•'

Napa-hawak ako sa ulo ko ng magising ako. Iminulat ko ang mata ko. Isang puting dingding ang sumalubong sa akin.

Umupo ako sa higaan na kinahihigaan ko at nilibot ang paningin sa isang kwartong tanging ang higaan ko, isang lamesa at dalawang upuan ang narito..

Nasaan ako?..

Muli akong napahawak sa aking noo ng gumuhit ang sakit dito.. Ano bang nangyare't ganito kasakit ang ulo ko at nasa isang hindi pamilyar na lugar ako.

Inilabas ko ang paa ko sa kumot at inilapat ito sa sahig. Nanatili akong nakahawak sa aking ulo habang inaalala ang mga bagay na nangyare.

Nawala si tita. Nagpunta kami sa hopital. Yung pagwawala ni Theo at meron tumakip ng panyong may ibang amay sa ilong ko.. Sino naman kayang gago ang may gawa non at masapak nga. Binigyan pa ako ng sakit sa ulo..

Napa-lingon ako sa pinto ng marinig kong bumukas ito. Napakunot ang noo ko ng makita si Warren na malaki ang ngiting nakatingin sa akin..

“Gising na pala ang prinsesa” mapang asar na sambit nito. Bigla akong nakaramdam ng inis at agad na tumayo..

“Nasaan ako?!!!” pangahas na lumapit ako dito ngunit agad din akong napahinto ng bumangga ako sa isang makapal na salamin na syang humaharang sa amin upang di ko sya malapitan..

“Oh, wag kang masyadong matapang.” sambit nito at dahan dahang lumapit sa akin. “Wag mo munang pagurin ang sarili mo dahil baka di ka na makatagal pa.” saka ito humalakhak ng tawa.

Naalala ko bigla si Tita. Matapos pumunta ni Warren sa hospital, ilang oras lang ay bigla na lang itong nawala. Malamang ay siya ang kumuha dito.

“Hayop ka! Saan mo dinala si tita Jennie!” sigaw ko sa kanya at kinalampag ang salamin sa harapan ko.

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon