Chapter 9

1K 47 4
                                    

~*~

Jhiea Cortez


Geu soneul naemireojwo save me, save me
I need your love before I fall, fall
Geun soneul maemireojwo save me, save me
I need your love before I fall, fall

Nagpalakpakan lahat ng mga estudyante at mga teachers na kasama namin, maging ako at sila Kyla ay pumalakpak din..

Napa ngiti ako.. Ganun pala kagaling si Theo.. Hindi lang sya masungit at cold, magaling din syang kumanta at sumayaw..

Habang sumasayaw sya kanina, kita mo sa mga mata nya ang saya.. Yung saya na talagang ngayon ko palang nakita mula sa kanya.. Bawat galaw nya alam kong gusto nyang sakto at perfect na perfect.. At ramdam ko yun, bawat galaw nya nakikita ko, bawat hataw at galing na pinapakita nya nakikita ko, ganun din sa boses nyang husky at cold, ang ganda.. Yung tono ng boses nya habang kumakanta, bagay na bagay sa kanya, dahil dun masasabi ko talagang napaka-perpekto nyang lalaki.. At napaka-swerte.... Napaka-swerte ng babaeng mamahalin nya..

“Ayan, ibang klase. Di padin talaga nagbabago ang galing ng mga batang eto kundi ay mas gumaling pa..” natutuwang sabi ni Sir Dan sa mic.. Nag bow naman sila Theo, napa-tingin ako sa kanya..

Isang magandang ngiti ang naka guhit sa mukha nya, isang ngiting walang kapantay.. Dahil dun nakikita mo sa kanyang mahal nya talaga ang ganung bagay, ang pagkanta at pag sayaw..

“Okey, maari na kayong umupo, mga binatang kasing gwapo ko” sambit ni sir Dan, napa ngiti nalang yung pito at nagbow ulit bago dumiretso dito..

Naupo si Zinn sa tabi ko..

“Ang galing ng besprenn ko ahh.. Ibang klase yung galaw na yun, tapos yung rap.. Lupet” pambungad ko kay Zinn at tinusok ang tagiliran nito..

Nag smirk naman ito.. Pshh. Yabang. “Ako pa ba.. Kelan ba ako naging loser pare” mayabng na sabi nya..

“Sus, pare mo mukha mo” napatawa nalang ako.. Biglang napadako ang tingin ko kay Theo.. Agad nitong iniwas ang tingin nya kaya naman napa hinga nalang ako ng malalim at tumingin nalang din sa ibang direksyon..

“Oh, paalala mga anak, kailangan kasama at katabi nyo ang mga partner nyo ha” napa-angat naman ang tingin ko kay Sir Dan..

“Aysh.. Ano ba yan,” napakamot ng ulo si Zinn. “Imbis na dito na ako e.”

“Sus, dami mong alam.. Alam ko namang gusto mong kasama si Ellen e.” pang aasar ko dito.. Nakilala ko na din ang ka partner niya sa red string at ka-room namin sya.. Maganda si Ellen at maputi..

“Tigilan mo ako.. Basta ha” lumingon ito saglit kay Theo.. “Pag ginago ka nyan, sabihin mo sa akin agad, kung hindi.” sambit nya at pinakita ang kamao nya..

“Hmff.. Oo na. Layas” sambit ko at tinulak sya.. Dumiretso na ito at nagpunta kay Ellen..

Huminga lang ako ng malalim.. Napansin ko namang tumayo din si Theo at naglakad papunta sa tabi ko..

Napa angat bigla ang tingin ko hawakan nito ang kamay ko at saka sya umupo..

Napa tingin ako sa kamay namin, hindi lang ito basta hawak lang sa kamay, kundi holding hands ito.. Yung naka intertwined ang mga darili nya sa mga daliri ko.. Naramdaman ko ang paghigpit ng kapit nito kaya naman napa angat ang tingin ko sa kanya.. Diretso lang ang tingin nito kay Sir Dan na nagsasalita.. Nakikinig lang sya at parang natural lang..

Sanay ba sya sa ganito dahil sa girlfriend nya?? O baka naman.....

... ginagawa nya lang akong panakip butas para pag selosin yung babaeng nagugustuhan nya sa batch namin?...

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon