Guys, bibigyan ko na po ng POV si Theo dito, mauulit lang po yung ibang part pero this time yung takbo po ng story is all about Theo's life naman.
Di naman po mawawala dito yung POV ni Jhiea, ang karagdagan lang po ay mabibigyan na din po ng POV yung ibang character...~*~
Matheo Mejia
Matapos kong ayusin ang buhok ko, agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba papunta sa parking lot ng bahay namin at sumakay sa sasakyan ko..
Pag kaupo ko pa lang sa driver seat biglang ng nag ring ang phone ko kaya kinuha ko agad ito.. Si mommy, napaka excited talaga, basta talaga pag si Riene sige agad sya..
“Hello, Mom” pag sagot ko sa tawag.
“Anak, bilisan mo. Andito na si Riene”
“Yes, mom.. Papunta na po ako.”
Pinatay ko na ang tawag at agad na pinaandar ang sasakyan ko at agad na pinaharurot ito ng takbo papunta sa bahay nila Riene..
Napa ngiti nalang ako habang nasa byahe. Na-miss ko ang isang yun ah.. Akalain mo yun, napaka tagal na nag-stay sa states tapos man lang ako sabihan na uuwi na pala.. hindi tuloy ako ang naka sundo sa kanya..
Agad kong ipinark ang sasakyan ko ng makarating ako sa bahay nila. Dinampot ko yung regalo ko kay Riene at lumabas na ng sasakyan..
Nag lakad ako papunta sa harap ng bahay nila at agad naman akong sinalubong ni Mommy.
“Mom” agad kong niyakap si mommy at hinalikan sa pisngi..
“Hinihintay ka na nya” sambit ni mommy kaya naman sabay na kaming pumasok sa loob..
Si Riene ang
“Kuya Mat!!”
“Andrea!” agad ko namang bunuhat si Andrea na agad na sumalubong sa akin..
“Kuya Mat, bagay po ba sa akin etong dress ko?” tanong ni Andrea habang naka hawak sya sa palda ng dress nya. “Bigay po ito sa akin ni Ate Riene”
“Talaga??. Hindi kase maganda e.” sabi ko.. Medyo napa-ngiti ako ng sumimangot eto..
“Po?” malungkot na tanong ni Andrea.. Mas lalo akong napa ngiti dahil mas lalo syang nagiging cute..
Si Andrea, bunsong kapatid sya ni Riene.. Mag kalayong mag kalayo sila ng agwat dahil 5 years old palang si Andrea at si Riene ay ka-age ko na.
At para sa akin, mas cute at mas maganda si Andrea kesa kay Riene.. At panigurado ako kung naririnig ako nun ngayon baka samut-saring batok ang sasaluhin ko galing sa kanya.“Oo e, kase hindi ko masyadong namumukhaan yung Andrea na buhat buhat ko ngayon” tinignan ako ng nagtataka ni Andrea.. “Kase akala ko kung sinong prinsesa ang sumalubong sa akin” agad na napa ngiti si Andrea sa sinabi ko.. Pansin ko lang, lumulusog tong batang 'to. Baka mamaya maging kagaya sya ng ate nya nung bata. Kase ang taba taba ni Riene noon e..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...