Chapter 3

1.4K 52 4
                                    

~*~

Jhiea Cortez

“Byeee” kumaway ako kila Diane at Kyla at saka na sila umalis, dumiretso naman ako papunta ng cafeteria para bumili ng tubig.

Pagkabili ko ay agad akong lumabas ng cafeteria, aakyat na sana ako para pumasok sa room namin ng makita ko si Theo na palapit sa akin. At kasama nya sila William.

“H-hi Theo” bati ko paglapit nila sa akin..

“Oh Theo, yung girlfriend mo.. Diba sya yung kaaway mo kahapon?? Ano may LQ ba kayo?” mayabang na sabi ni William. Alam nyo, kung may period ako ngayon kanina ko pa 'to nasapak.. Kaso hindi e, kahit na may period ako marunong akong mag-pigil.. Hayop 'tong Willian na 'to.. Bwisit talaga..

Tinignan naman ako ni Theo. “Di ko kilala yan” matapos nyang sabihin yon ay nauna na syang naglakad papasok sa cafeteria.

“Hala.. Kawawa ka naman miss, deni-deny kana lang pala” sabi nung isang kasama nila na nag-ngangalang Fred, sabay tawanan nila ng barkada nya.. “Tara na.”

Napa-hinga nalang ako ng malalim.. Kahit kelan talaga yang William na yan, wala ng nagawang matino..

Deni-deny kana lang pala

Napa-tawa ako ng mahina.. Deni-deny nya nalang ako.. Samantalang kahapon kala mo kaibigan ko sya kung makapag-tanong kung okey lang ako.. Tinulungan nya pa akong pulutin yung mga gamit ko.. Tapos ganun??.. Ang sama nya.

~*~

Matapos ang last class namin ngayong hapon, nag-punta muna ako sa cafeteria para makapag isip-isip muna.. Sobra akong nai-stress ngayon, una sa lahat dahil dun sa necklace ko.. Saan ko na nga ba talaga nailagay yun?? At pangalawa.. Sa hayop na Theo na yun.. Hindi nya man lang ako pinag-tanggol kanina kay William.. At dineny pa ako.. Ang sama ng ugali..

Tsaka.. Teka? Kumusta na kaya yung mokong na yun??.. Hayop sya.. Kahit na sinasaktan nya ako concern padin ako sa kanya at nakaka-inis yun..

Bigla akong natauhan dahil sa gulat ng biglang may tumapon na mainit sa balikat ko..

“Argh.. Shit!!” daing ko.. Ang hapdi..

“Oopss.. Sorry..” napatingin ako dun sa babaeng nag-salita at nakita ko si Pauline na may hawak na mangkok na may lamang sopas na umuusok pa sa sobrang init..

“Ang kapal ng pag mu-mukha mo.. Bakit mo ako tinapunan.” napa-tayo ako sa inis.

“Oh.! Teka lang, Jia.. Wag kang pabibo.. Di ko naman tinapon yan sayo, sadyang malas ka lang talaga ngayong araw.”

Napa-haplos ako sa balikat ko.. Longsleeve naman ang uniform namin dito at may blazer pa pero ang init pa din talaga..

“Anong malas?? Sinadya mo.. Alam mo ba kung gano kainit yan ha?” napa-luha ako sa sobrang hapdi ng balikat kong tinapunan nya..

“Sorry.. Wag ka daw kaseng masyadong flirt.” inirapan ako nito, aalis na sana sya ng bigla ko hinila ang braso nito..

Kinuha ko ang juice na hawak ng kaibigan nya at binuhos sa kanya ito..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon