~*~
Jhiea Cortez
“Hay naku, Jia. Sabado nalang nanaman ganyan ka padin.. Kailangan bang ulit ulitin pa? May. Girlfriend. Na. Sya..”
Napa-simangot nalang ako sa kanilang dalawa..
“Eto nga, kumain ka” binato sa akin ni Kyla yung isang supot ng Kettle corn Caramel flavor..
Alam nyo, palagi nalang sermon ang napapala ko sa dalawang to'. Alam ko naman na may girlfriend na yang Theo na yan e kailangan pa nilang ulit-ulitin sa akin.. Ano bang paki-elam ko sa kanya. Sa kanila, nung gf nya.. Paki ko ba kung sila na.. May magagawa ba ako para mas tumibay ang relasyon nila. Wala naman diba..
“Pakielam ko.” napairap nalang ako.
“Ano?” napa-tingin ako kay Diane na ngayon ay naka-tingin sa akin..
“Wala.” inis na sabi ko sabay irap.. Eto nanaman sya, magra-rap nalang nanaman sya.. Dinaig nya pa si mommy sa pagra-rap e. Andaming sinasabi.
“Alam ko iniisip mo.. At ang masasabi ko lang napaka-bitter mo.. Tsaka pwede ba bhe.. Kalimutan mo na kase sya.. Madami pa dyang iba. Di lang si Theo ang lalaki sa mundo” sabi ni Kyla sabay subo ng popcorn..
“Bat sinabi ko bang sya lang” tinaasan ko sya ng kilay..
“Aba. Aba..” napa-turo ito sa akin. “Tignan mo 'tong isang 'to. Sya na nga itong binibigyan ng advise di pa nakikinig.. Susungitan ka pa”
“Eh pakielam ko ba kase sa kanya at dun sa Riene nya.. Para sabihin ko sa kanya, mas maganda ako sa kanya. Hindi naman kawalan si Theo e. At ang tanga nya kase yung babaeng yun ang nakita nya. Maghihiwalay din yung dalawang yun di naman sila bagay. Tsaka pakielam ko ba sa kanila. Mamatay sila.” sabi ko sabay irap.. Kanina pa ako iritang irita sa mata ko dahil kanina pa 'to ganito.. Pero di ko naman kase mapigilan e. Nasanay na yata, pati sa palaging pag-iyak iyak sanay nadin..
Pumalakpak yung dalawa. “Ganyan.. Ganyan na ganyan yung kilala kong, Jia. Palaban na palaban!” sambit ni Diane.
“Tama ka dyan. Yan talaga yun e” pagsang-ayon naman ni Kyla sa kanya..
Magkakampi talaga sa kahit ano 'tong dalawang 'to. Kaya kahit na ako itong kawawa e wala man lang isa sa kanila ang kumampi sa akin. Pinagtutulungan pa ako...
“Oo talaga, bahala sila.. At tsaka yan si, Theo.. Mamatay na sana sya. Alam ko sa itsura palang nung babaeng yun masasaktan na sya. Mukhang pokpok yung babae e. Antanga nyang mamili.. At sisiguraduhin ko na masasaktan sya sa babaeng yun.. Tanga nya e. Pwede naman kaseng maghanap sya ng babaeng kaya syang mahalin ng buong-buo dibaaa. Tulad kooo, kaya dapat talaga ako nalang yung pin~”
“~Ayon.. Yun pala yon.. Yan tayo e noh.. Yan tayo.. Yung una sasabihin nating wala tayong pakielam pero sa huli huli pwede naman kaseng ikaw yung piliin.. Baliw ka ba?? Nagka-girlfriend nga ng di ka man lang nakikita tapos sasabihin mong dapat ikaw yung pinili.. Tanga ka nga talaga.” napa-simangot nalang ako sa sinabi ni Diane.. Pinag-lihi talaga 'to sa kontra bida. Siguro nung pinagbubuntis sya ni tita laging nanunuod yun ng mga drama at yung kontra-bida yung kinakampihan nya..
“Korekk!” nag trumbs-up naman si Kyla dito. Isa rin 'to e. Isa din 'tong babaeng 'to. Akala mo kakampihan ka yun pala may iba ng kakampi, matagal na. At ayan na nga sila, nagkakampihan na at pinagkakaisahan ako..

BINABASA MO ANG
Words of my heart
Novela JuvenilBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...