Final Chapter

792 25 0
                                        


~*~

Jhiea Cortez

Ilang ulit kong tinawagan sina Diane at Kyla pero wala ni isa sa kanila ang sumasagot.. Si Zinn naman at nakita ko kanina pero Hindi na naulit.  Sila Timothy,  wala rin kahit na si Theo di ko din nakita.

Napa-simangot nalang ako.  Nasaan ba sila? Kaninang umaga pinuntahan ko pa yung dalawa sa classroom nila pero parehong hindi pumasok. Si Zinn naman pumasok pero busy. Nakakapanibago naman sila.

Napa-ngiwi nalang ako at naglakad patungo sa parking lot para hintayin si manong.. Ilang saglit pa ay dumating na din naman ito. Agad akong sumakay at umuwi sa bahay.

Saan ba nagpunta yung mga 'yon? Pagkapasok ko sa kwarto ay agad akong nagpalit.. Kinuha ko ang cellphone ko na nakalapag sa mesa at agad na idi-nial ang number ni Kyla..

Ilang beses ko itong pinag-ring pero hindi nya ito sinasagot. Napa-buga nalang ako ng hangin dahil sa inis.. Bwisit ang isang 'to. Saan ba sila nagpupunta?. Humiga ako sa higaan ko..

Ilang saglit lang ay biglaang nag ring ang cellphone ko.  Agad ko naman itong kinuha at sinagot.

“He~”

“Kanina pa kitang umaga hinahanap sa school, tinatawagan din kita pero di mo sinasagot.  Kahit si Kyla ay tinatawagan ko pero-- asan ba kayong dalawa?!!” dahil sa pag-aalala at pagkainis ay di ko na napigilan ang sarili kong pagpasabihan si Diane..

“Mamaya mo na kami pagalitan,. Nawawala si Matheo.” napa-tayo ako agad sa higaan ko dahil dito.

“Ano?!!”

“Oo, kaya kaninang umaga pa kami wala dahil hinahanap namin sya! Pero hindi namin sya makita. Pumunta ka ngayon dito!!!” halata sa boses nitong hindi pa din ito mapakali dahil sa sinabi nya. 

“Okey, text me the address, pupunta ako” hindi ko alam pero agad kong ibinaba ang tawag at agad akong tumakbo palapit sa closet ko at nanguha ng maisusuot. Jeans at Black sando,  kinuha ko din ang black leather jacket ko at agad na tumakbo palabas. 

Hindi ngayon ang tamang oras para magpaalam pa at tawagan sila mommy.  Hindi pa naman sila umuuwi kaya tatawagan ko na lang sila kung nakarating na ako kung nasaan sila Diane. 

Dumiretso ako sa parking lot namin at kinuha ang motor ko.  Pagkaupo ko pa lang ay nag ring cellphone ko.  Tiningnan ko naman ito at binasa ang address  kung nasan sila.  Matapos yon ay agad kong pinaharurot ang motor ko papunta doon. 

Pagdating ko ay agad akong pumasok sa loob ng campus.  Hindi ko alam kung bakit dito nila ako pinapunta e halos wala namang katao tao dito e. Sinilip ko yung guard house pero wala akong nakitang kahit na sino. 

Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Diane.  Agad nya naman itong sinagot. 

“J-jia” nangunot ang noo ko ng marinig ang malakas na paghinga nito. 

“Anong nangyare?  Nasan kayo? ” tanong ko.  Nataranta na din ako dahil sa naririnig ko ang mga yabag nila mula sa kabilang linya at maging ang hingal na hingal nilang paghinga.

“S-si Mat~”

Nangunot ang noo no ng maputol ang linya. Tiningnan ko ang cellphone no at muling itinutok sa tenga ko ngunit wala na akong narinig pa. Hindi ko na maiwasang kabahan dahil dito.

Agad akong napalingon sa building ng senior ng may sumigaw dito.. Taranta akong tumakbo para puntahan ito..

Habang tumatakbo kasabay nito ang pagkabog ng dibdib ko. Ano ba itong nangyayareng ito? Akala ko tapos na.

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon