~*~
Jhiea CortezDahan-dahan kong iminulat ang mata ko habang nag uunat ako.. Hayy! Ansarap matulog..
Humigab ako at saka ko kinusot ang mata ko..
"It's look like you enjoyed sleeping on my bed"
"Ay, Gwapong itlog!!" agad kong tinakpan ang bibig ko dahil sa gulat, bigla akong napa-lingon sa pintuan kung nasa si Theo, naka-sandal ito sa pinto habang naka-halukipkip pa ang mga braso.. Napa-lunok bigla ako, kasabay ng pag-kabog ng dibdib ko hindi dahil andito si Theo, kundi dahil sa sinabi ko.. Gwapong itlog?? May ganun ba??.. Parang nakaka-diri yon..
"Good morning, Jia" anito at saka lumapit sa akin.. Wag mong pansinin yung sinabi ko Theo.. Wag..
Dahil kung hindi, mag mumukha nanaman akong tanga, baka mamaya maging kulay kamatis nanaman ang mukha ko Talagang nakaka-hiya..
"Mukha yatang gutom ka na, at kailangan mo na ng Gwapong itlog?! Huh~" mapang-asar na sabi nito sabay taas ng kilay.. Napa-lunok ako bigla.. Anak ka ng~. Theo naman, wala namang ganyan. Kung gano mo ako papulahin kapag pinapakilig mo'ko wag naman na sanang ganun kapag pinapahiya mo 'ko.. Tsaka, sabi kong wag mong pansinin e.. Gusto mong halikan kita dyan..
Eto ba yung sinasabi mong di nya papansin ha, Jia?.. Nakaka-hiya.. Tsaka teka, bakit ba ako nahihiya sa taong 'to?? Eh kung kagabi nya pa ako inaasar habang kumakain kami.. Buti na nga lang daw at wala yung mommy nya,.
Dahan-dahan kong inalis ang pagkaka-takip ko sa bibig ko at nginitian sya.. "M-may pagkain na ba?" tanong ko.. Sa totoo lang talaga, gutom na din ako.. Buti nga at di pa tumutunog 'tong tiya~
Halos pamulahan ako ng mukha ng unti unti kong naririnig ang paglakas ng tunog ng gutom na tyan ko..
Napa-tingin ako sa kanya na halatang nagpipigil ng tawa.. Umismid ito at tinignan ako.. "Mag-ayos kana at kakain na tayo, andyan na yung susuotin mo sa paper bag na yan. Sumunod kana lang sa baba." sambit nya at saka tumalikod..
Pagka-sarado't pagka-sarado palang nya ng pinto narinig ko ang malakas na tawa nito na kulang nalang e mag-eco pa sa buong bahay nila..
Napa-tapok nalang ako sa noo ko.. Kahit kelan talaga, Jia.. Wala kanang ginawang maganda sa harapan ni Theo..
Tsaka, mas mabuti na din siguro yon.. Nang maiba ang tingin nya sa akin at di nya mahalata ang feelings ko..
Oo na, aaminin ko na.. Mula pa kagabi ako nagpipigil ng kilig habang nakain kami, at yun ang dahilan ng pagiging palpak ko sa kung ano-ano dito.. Kaya ayun, wala nang ginawa kundi asarin ako.. Buti nalang naka-tulog na ako agad pagka-pasok ko dito sa kwarto nya kagabi kaya di nya na ako nagawang asarin pa..
Kase, nakaka-yamut e.. At the same time tagos to the bone ang keleg..
Napa-ngiti nalang ako habang pinipigil ang tili ko.. At habang feel na feel ko ang kilig na nararamdaman ko bigla nalang may kumatok sa pinto..
"Bilsan mo na dyan, kanina ko pa gustong tikman yung Gwapong itlog.. Gutom na ako!!" sigaw ni Theo mula sa labas, at alam nyo kahit di ko kita ang mukha non alam kong pinag t-tripan nanaman lang ako nun dahil 'oh.. Matapos nyang sabihin yon bigla nalang tumawa ng malakas..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Roman pour AdolescentsBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...