~*~Jhiea Cortez
“Jia.. Jia... Gising na.. Jia..” nagising ako sa kalabit ni Theo.. “Andito na tayo” anito kaya naman iminulat ko ang mata ko..
Umupo naman ako ng maayos at inilibot ang paningin ko.. Tumingin ako sa labas ng bus at nakitang andito na nga kami sa school.. Grabe, nakatulog ako buong byahe.. Mula kase pagsakay namin dito sa bus di ko na alam ang sumunod na nangyare.. Basta pag pasok ni Theo diretoso agad kami dito sa uupuan namin at hanggang doon nalang naaalala ko.. Wala na..
“Tara na” sambit ni Theo kaya naman tumayo na ako..
“Teka, pano yung gamit natin?” tanong ko bago pa man kami maka-baba ng bus..
“Sila na ang bahala dyan. Basta sabi ni Sir Dan labas nalang daw lahat tayo” anito.. Napa tango nalang naman ako at sumunod sa kanya papunta sa auditorium.. Hinanap namin sila Diane at Kyla at pati na din sila Zinn.. Sakto naman magkaka-sama sila sa isang lugar kaya doon na din kami nagpunta..
Pag kaupo palang namin ay nag salita na yung mga dapat magsalita para tapusin ang program na 'to..
“Pst” Napa-tingin ako kay Kyla. “Bakit ang tahimik mo??” tanong nito..
“Masama bang maging tahimik?” muryot na sagot ko.. Isa ding baliw 'to kapag nagiging maingay ako bago matulog nagagalit sila, tapos pag tahimik ako nagtatanong kung bakit ako tahimik.. May saltik ba sila??. Di na lang sila magpasalamat..
“Pilosopo, ano nga?” pangungulit ng loka..
Sasagit sana ako ng biglang magsalita si Theo.. “Kase kagigisng lang nyan..” anito habang di nakatingin sa amin..
Bigla naman itong lumingon sa amin. “Anong oras ba yan nagising?” tanong nito kay Kyla..
Sinulyapan naman ako saglit ni Kyla.. “Hindi ko nga alam e.. Pero 3:50 palang nang gigising na e.” ani Kyla.
Nalipat naman ang tingin ko kay Theo na ngayon ay napatango nalang..
Napa yuko nalang ako.. Pakiramdam ko kase parang may nagbago bigla kay Theo.. Para bang kahit na ganyan lang syang makipag usap sa amin ay parang mapapansin mo agad na may nagbago.. Siguro di pansin ng iba pero ako napapansin ko.. Kase iba yung pakikipag usap nya sa akin nung nasa Island palang kami hanggang bago kami naka dating dito.. Pero ngayon, balik sya sa dati.. Siguro nga nagpapakita sya ng something na parang konting concern, pero iba...
Kaya nga balik sa dati diba, Jia..
Tanga lang..
“Pst” muli akong kinalabit ni Kyla.. “Ano ba talaga, Jia?? Bakit ka naman tahimik? Tsaka naka simangot kapa para kang tanga.” sinimangutan ko lang naman si Kyla.. Napakasama talaga ng babaeng 'to kahit kelan..
“Wala.. Gutom lang ako.” muryot sa sagot ko..
“Ehh? Kakakain mo lang kanina ah,.” aniya.. Bakit ba kahit kelan napaka pakielemera ng babaeng to.. Bespren ko nga sya pero di padin ako sanay sa ganyang ugali nya.. Palagi nalang kase syang ganyan pag naiinip ako..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Fiksi RemajaBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...