~*~
Jhiea Cortez
“Pwedeng paki-eplain kung ano yun??” halos mapatalon naman ako sa gulat ng bilang sumulpot si Kyla and Diane sa likod ko habang may hawak silang isang supot ng Pic A..
“Kakatapos lang kumain chi-chirya agad” sambit ko sabay dukot sana sa pagkain nila.. “Bakit?? Pahingi!” maktol ko..
“Na-ah.. Paki-explain muna yun?” ani Diane..
“Yung ano ba??” iritang tanong ko.. Bwisit talaga tong dalawang to' kahit kelan pinagkakaisahan ako..
“Yung ganito.” bigla namang nagyakapan yung dalawa “Panalo tayo!”
Napa-irap ako.. So sinasabi nila yung scene namin ng yakapan ni Theo kanina..
Eto talagang dalawang to kahit kelan di papahuli e.. Kase kahit alam naman nilang nagulat din ako dahil sa ginawang yun ni Theo, todo tanong padin ang mga lola nyo..
“Baliw.. Wala lang yun.” sagot sabay iwas ng tingin.. Nakaka irita na sila ahh. Di na nila ako tinitigilan.. Mula pa kanina yan habang nakain kami, kahit katabi ko si Theo todo kalabit sa akin yang hayop na dalawang yan, para nga silang mga imbistigador e ,di talaga titigil hangga't di nakakakuha ng sagot..
“Ehh, kase naman Jia.. Sabihin mo na.. Panong wala yun e halos lahat nga ng game na napapanalo nyo palaging may yakap. At lahat ng yun ikaw ang yumayakap pero ang poka lang ha, nung last game na may pahawak kamay pa at si Theo na ang yumakap sayo... Tapos kaming mga bff mo di mo man lang magawang i-update ha.. Grabe na!!” mas lalo naman akong napa simangot sa sinabi ni Diane..
“So sa lahat ng game na yun naka subaybay kayo?? Kaya pala kayo palaging talo e” ini-smirk-an ko na naman silang dalawa..
“Wag momg ibahin ang usapan. Ano yung yakap na yun?? Jia dali na!!” maktol ni Kyla..
Napa-hinga ako bigla ng malalim.. Etong dalawang to di ako magawang tigilan.. Minsan iniisip ko nga kung bff ko ba talaga sila e, kase saka lang mangungulit pag may ganito sa buhay ko tapos pag sila naman ang kinukulit sinusungitan pa Ko..
“Okey, lahat ng yun walang malisya yun, at yung huling yakap na si Theo ang may gawa” nag shrug ako.. “Hindi ko din alam kung bakit nya ginawa yun, basta nagulat nalang ako nung niyakap nya ako yun lang” paliwanag ko..
At ngayon na sinabi ko na ang totoo mas lalo pa akong sinumangutan ng dalawa..
“Oh bakit?, ayaw nyong maniwala? Well, sige di ko kayo pinipilit” matapos kong sabihin yun ay agad akong tumayo at nilayasan sila doon.
Naglakad ako palabas ng room para magpahangin lang saglit.. Rest time naman namin ngayon e kaya wala munang kabit kabit ng red strap na yan , free kami ngayon tsaka pahinga din dahil napagod kami sa game kanina, ikaw ba naman maglaro ng 7:00 hanggang 12:00 noh, sinong di mapapagod dun? Tsaka mamayang 6:00 ang simula ng night swimming namin at may red strap nanaman dun..Nakita ko naman sa di kalayuan si Zinn na naglalakad.. Bumaba ako sa hagdan netong rest house namin at tumakbo palapit sa kanya..
“Zinn!!”
Napalingon naman ito sa akin.. “Jia” naka ngiti nyang sabi..
Agad ko itong niyakap pagka-lapit at pagka-lapit ko pa lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...