Chapter 7

1K 47 14
                                    

~*~

Jhiea Cortez


“Boys, lahat ng partner nyo ay mga babae tama..”

“Opo!!”

“At bilang lalaki, kailangan nyong ingatan sila at alagaan, kung kaaway nyo man yan wala na kayong magagawa.. Kaya nga kayo nilagyan ng ganyan para magkasama, at para di magkahiwa-hiwalay.” paliwanag ni Sir Dennis. Isa sa mga kasama naming teacher dito..

“Sir, pwede bang makipag-palit?? Nakaka-inis kase tong si Eliza. Kala mo kung sino..” natuon ang atensyon namin sa isang lalaki na ka-batch din namin..

“Heh! Tigilan mo ako.. Kasalanan mo din naman to' e. Sunod ka ng sunod sa akin.. Edi sana di ikaw ang naging partner ko sa red strap na'to” umirap yung babae at  tinalikuran nito yung lalaki.

“Eh, ikaw naman pala ang nang-susutil pare e.”

“Oo nga, pre.. Baka naman, gusto mo si Eliza” bigla namang nagtawanan yung mga kasama namin kaya naman nakitawa na kami..

Napa-tingin ako kay Theo, ganun din ito sa akin.. Bakit ba ang pogi ng isang to'? Di kumukupas..

Aist.. Stop that Jia..

Agad akong napa-iwas sa kanya ng tingin.. Di ko padin maiwasang tignan sya ng may pag-mamahal. Dahil tuwing titingin at ngingiti ako sa kanya, saya lang ang nararamdaman ko kahit alam ko namang di nya ako mapapansin..

Isang napaka-laki at napaka-kapal na pader ang pumapagitan sa aming dalawa.. Isang harang na kahit kelan ay napaka-hirap buwagin.. Sa una magagawa mo itong sirain hanggang sa kalagitnaan nito, pero may panahon din na mapapagod kana, kaya tama na.. Tigil na, di ko na kaya.. Dahil ako lang naman, mag isa e. Ako lang mag isa ang nagpipilit na sirain ang pader na to para lang makuha at maabot ko sya..

Paano ko nga naman ba ito masisira, kung ako lang mag isa ang gumagawa.. At sya ay nasa kabila lang at naka-upo. Naghihintay na may makitang ibang pwede nyang ipaglaban, yung kahit na may malaki at mataas na pader na naka-pagitan sa kania, pipilitin nyang sirain, mag tutulungan sila para maabot nila ang kamay ng bawat isa.. At ako hanggang doon na lang. Di na pwede pang piliting buwagin ang pader na yun dahil alam kong kahit na masira ko pa to', wala na. Wala na akong makikitang isang Matheo Mejia kapag natapos kong sirain ito..

Gaya ngayon, pinipilit kong sirain ang pader na humaharang sa amin, pero wala na. Naunahan na ako. May iba nang mas naunang naka-sira ng pader nya na tinilungan nya.. At iyon si Riene.. Ang girlfriend nya..

“Jia” nagbalik ako sa realidad ng hawakan ni Theo ang braso ko..

“A-ahh. Huh??!” napa-tingin ako sa kanya na parang di alam ang nangyayare.

“M-may problema ka ba?? May nararamdaman ka ba?? Gusto mo maiwan nalang tayo” tanong nito sa akin.. Eto, gaya neto.. Itong mga ganitong bagay na pinapakita nya kaya ako napipilitang sirain ang pader at abutin sya..

“W-wala. T-tara na” sambit ko at nauna ng naglakad at sumunod sa mga kasama namin.. Dahil nga pinagdudugtong kami ng isang red straps, napa-sunod na din ito..

Dire-diretso lang akong sumusunod sa mga kasama namin at di tinitignan si Theo na nasa tabi ko.. Ilang beses na din akong tinanong neto kung pagod na ba ako o gusto ko ng tubig pero tanging iling lang isinasagot ko dito.. Ayoko syang tignan, pakiramdam ko kase kapag tumingin ako at nakita ang mukha nya na may concern sa akin baka maluha lang ako at mayakap ko sya ng wala sa oras..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon