Chapter 15

934 43 21
                                    

~*~

Matheo Mejia


“Sige iho, salamat” sambit ni ma'am..

Yumuko naman ako at nagpaalam na din sa kanya.. Uwian na ngayon at sinundo ko si Ma'am Lourdes, yung librarian namin. Nag-thank you lang ulit ako para dun sa pag aabot ng mga pagkain na bigay ko kay Jia..

Nag punta na ako sa ligar kung saan naka-park yung motor ko at sumakay na.. Ano pa nga bang gagawin pag uwian na? Edi uuwi na. Wala naman na akong dapat parang gawin dito dahil nga uwian na..

Agad kong pinaharurot ang motor ko paalis.. Pag dating ko sa bahay, agad kong ipinarada ito sa tapat ng bahay kung saan may nag hihintay naman kaming isang driver na syang kumuha ng motor ko para dalhin sa parking lot ng bahay..

“Salamat po” sagot ko.. Yumuko naman yung driver namin kaya iniwan ko na sya..

Agad akong pumasok sa bahay at nag diretso sa kusina,.

“Bro!!” napa angat bigla ang tingin ko at nakita si William at ang ama nya.. Biglang kumunot ang noo ko.. Anong ginagawa ng dalawang gagong 'to dito?.

“Oh, anak andito kana pala” bigla namang dumating si mommy galing sa likod ko papasok sa kusina..

“Mom, anong ginagawa nila dito?” bulong ko bago pa man ito makapasok..

“Anak, bumibisita lang ang tito mo at pinsan mo sa atin.” sagot ni mommy..

Kahit di ako kampateng iyon lang talaga ang pakay nila, tumango nalang ako kay mommy at ngumiti..

“Akyat po muna ko” sambit ko, hindi ko na initay pa ang sggot nila kundi ay agad na akong umalis..

Ano nanaman bang gusto ng dalawang mag amang 'to?? Ano nanamang kalokohan ang gagawin nila dito.. Lalo pa yang tatay nyang si William, alam kong gusto lang nyang mapa-sagot si mommy..

Sa tatlong taong panliligaw nya kay mommy di pa ba sya nag sasawa?? Kung ako sa kanya di ko na ipag papatuloy pa yung gusto nyang mangyare dahil di naman maganda ang mag papaka-tanga sa isang taong di naman ako gusto..

7 taon na mula nung namatay si daddy dahil sa isang car accident, at makalipas lang ang 4 na taon nag simula na syang manligaw kay mommy,.

Tito ko si tito Warren pero parang nawala na sa akin ang respeto at pagiging magkamag anak namin mula nung niligawan nya si mommy..

Hindi sya kapatid ni daddy o kung ano man, kaibigan lang sya nito.. At ito ang naging dahilan upang ituring ko na ding pinsan si William, na kahit kelan ay di ko naman naging ka-vibes.. Napipilitan lang naman akong pakisamahan sya lalo na't may sakit nga sa puso at baka mamaya ako pa maging dahilan ng maagang pagkamatay nya..

Kung nagtataka kayo kung nasaan ang mommy ni William, wala na ito. Namatay sya dahil sa panganganak kay William..

Matapos kong magbihis ng damit, agad kong kinuha yung bag ko at nilabas yung isang notebook ko dun para gawin yung homework ko.. Madali lang naman ito kaya madali ko lang ding nagawa.. Hindi naman ako gaya ng William na yan.. Alam nyo na. Pasang-awa lang e..

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon