Chapter 22

733 43 9
                                    

~*~

Jhiea Cortez


Matapos kong ihatid si Diane at Kyla sa room nila agad akong umalis at nag paalam na pupunta na sa room namin baka kase mag simula na ang fist subject namin, kaya eto ako ngayon naglalakad.

Bigla ko namang naalala na may quiz pala kami sa English kaya agad kong inilabas ang note ko at nagbasa habang naglalakad pabalik ng bigla nalang may umakbay sa akin na syang ikinagulat ko..

“Hi, miss” bulong nito sa tenga ko dahilan para mangilabot ako.. Agad ko itong itinulak palayo sa akin..

“Ano ba!!” sigaw ko dito sabay bato ng masamang tingin.. Sino ba ang isang 'to? Transferee ba o old student na? Mukhang adik at gago 'tong pagmumukga e. At kung titignan mukha naman di sya old student dahil dugyutin na ang pagmumukha..

“Ano ba babe” lumapit ito sa akin. “Wag ka namang ganyan” at saka sya umakbay sa akin pero agad ko din itong itinulak dahil sa pag hawak neto sa dibdib ko. 

“Ano ba!!!” inis na sabi ko.. “Bastos!!”

Nagulat ako ng bigla ako nitong hawakan ng mahigpit sa braso at hilain papunta sa isang room malapit sa school gym.. Agad naman akong nag sisisigaw at humihingi ng tulong..

Itinulak ako nito sa pader at agad akong sinunggaban sa leeg.. Pinilit kong kumawala dito pero ang lakas nya, ang baho nya at halatang wala sya sa sarili..

“TULONG!!!” sigaw ko habang pilit ko pading itinutulak palayo yung lalaking yon..

Napa-luha nalang ako dahil sa ginawa nya sa akin.. Inilalayo ko ang katawan ko sa kanya at pinagpapapalo sya para lang di nya madapuan ang balat ko..

Nagulat nalang ako ng biglang may humila dito at agad itong sinapak dahilan para tumalsik ito palayo..

Sunod-sunod naman ang pag kabog ng dibdib ko sabay nito ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata ko..

“Jia, okey kalang??” agad lumapit sa akin si Zinn sabay hawak sa mga braso ko.. Hindi ako sumagot kaya ibinaling nito ang tingin nya sa lalaking naka bulagta ngayon.. Agad nya itong sinugod at pinag sasasapak.. Hindi ko alam ang sumunod na mga nangyare hanggang sa may mga estudyanteng lumapit sa kanila at pinag hiwalay sila..

Naririnig ko ang sinagaw ni Zinn dito dahil sa galit, hanggang sa agad nya uli ito g sinapak sa galit.. Patuloy lang ang pag bagsak ng luha ko habang ang buong katawan ko naman ay nanginginig sa takot,.

Biglang may lumapit sa akin.. “Jia..” sambit nito sabay hawak sa mga braso ko..

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si Theo na alalang alala ang itsura..

“Anong nangyare?” tanong nito sa akin, imbis na sumagot ako sa tanong nito ay bigla nalang akong pinanlambutan ng mga tuhod dahilan para mapayakap ako sa kanya.. Napa-iyak nalang naman ako dahil sa takot na hanggang ngayon ay bumabalot pa din sa akin..

Hindi ko ramdam ang buong katawan ko, kundi ang alam ko lang ay nakaka rinig ako ng mga ingay at patuloy padin ang pag bagsak ng luha ko.. Naramdaman ko na lang may tinulungan ako ni Theo na umalis sa kaguluhang iyon..

Sumakay kami sa sasakyan nya, hindi ko alam kung saan kami pupunta.. Tulala pa din ako at tahimik lang habang umiiyak, hindi padin mawala sa sarili ko ang takot at kabang nararamdaman ko sa mga oras na 'to.. Ang alam ko lang ay wala na ako sa gulong iyon, nakaramdama ako bigla ng pagbigat ng mga mata ko.. Isinandal ko ang sarili ko da upuan at di namalayang naka-tulog na pala ako..

~*~

Napa-hinga ako ng malalim habang nakapikit ang mga mata ko.. Hinaplos ko ang malambot na kama na hinihigaan ko.. Huminga ulit ako ng malalim at nilasap ang sarap at lamig ng aircon dito sa kwarto ko.. Pero bakit ganun??

Words of my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon