~*~Matheo Mejia
“Hyung, asan kana??”
“Malapit na sa school, ikaw asan kana??” tanong ko mula sa kabilang linya.
“I'm already here, eh si Cody hyung? Kasama mo ba??” tanong nito sa akin..
“Wala.. Hindi ko kasama, sige na nag d-drive ako..” hindi ko na inantay pa ang sagot nito at pinatay na ang tawag..
Ng maka-rating ako sa school agad kong ipinark ang sasakyan ko sa parking lot ang sasakyan at binaba ko na yung gamit ko, tinawagan ko na din ang driver namin sa bahay para kunin yung sasakyan dito sa school..
Nilibot ko yung paningin ko, madami ng mga estudyante ang nandito, yung iba nasa loob na ng bus at iilan nalang yung nasa labas..
“Hyung!!” napa-lingon ako kila Tim at Cody hyung, magkasama sila at dala dala na nila ang mga gamit nila.. Tumakbo ako palapit sa kanila..
“Excited ba kayo??” tanong ko sa kanilang dalawa sabay haplos sa batok ko.. Ang gaganda ng ngiti nilang dalawa..
“Hindi naman.. Medyo lang” sambit ni Tim.. “Ano? Tara na” pag aaya nito.
Bigla ko namang naalalang may kailangan pa pala akong bilhin.. Hindi naman na ako kailangan pang lumayo dito sa school dahil meron namang 7 ELEVEN sa tapat ng campus kaya madali nalang..
Nag paalam akong may bibilhin lang ako, sumama naman sa akin si Cody hyung dahil may kailangan din itong bilhin.. Samantalang si Tim ay umakyat na sa bus dahil mukhang ready'ng ready na dahil wala syang nakalimutan kahit isa.. Samantalang ako, di ko nga alam kung may naiwan ba ako o wala.. Hind ko din aigurado kung nailagay ko ba yung brief ko dito sa bag ko. Hindi naman siguro ako ganung ka-ulyanin para pati yun makalimutan ko pa..
Nang matapos kaming bumili agad na kaming pumasok sa loob ng campus at sumakay sa bus..
Kumunot bigla ang noo ko ng makitang magkatabi sa upuan si Tim at si Jia.. Anong ginagawa ng batang yun sa tabi ni Jia?? Pinopormahan nya ba ang dapat ay akin?
“Timothy!!” agad lumapit si Cody hyung at hinila ito.. Ang akala ko ay ito ang uupo dun sa inupuan ni Jia dahilan para mas lalo akong kabahan pero hinila nya ito sa likod at doon sila umupo..
“Dyan kana lang pre ha, may panunuorin kami ni Tim” ani Cody hyung.. At talagang dito pa sila manunuod ng ganyan ha.. Hindi na ba nila mapipigilan yun? Pwede namang pag dating nalang namin dun, baka madami pang maki jpin sa kanila. Hindi yung dito na alam nilang may babae sa likod nila..
Lumingon si Jia sa bandang likuran at tinawag si Tim.. Halata sa mukha nito na naguguluhan sya sa biglang pag lipat ni upuan ni Tim..
Ganun na ba talaga sila ka-close ni Tim para patabihin nya ito sa tabi nya.. Ang naaalala ko lang kase, nagkita lang sila nung nakasalubong ko si Jia, tapos nung nasa mall??. Tapos kubg tawagin sya ni Jia ng "Tim" parang close talaga sila..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...