~*~
Matheo Mejia
Sinubukan kong habulin at hanapin si Jia pero di ko ito nakita.. Kase naman Theo e.. Susungit sungitan mo ng ganun tapos hahabulin mo.
Tingin mo ba magpapa-kita pa sayo yun..Napa-kamot nalang ako sa ulo ko.. Kahit kelan talaga ang hirap gumawa ng paraan wag lang madamay ang taong mahal mo. Kahit alam mong makaka-sama sa relasyon nyo basta okey sya, ayos kana.. Pero mahirap padin talagang gumawa ng dahilan na alam mong ngayon ay maglalayo sa inyong dalawa..
Napa-hinga nalang ako ng malalim.. At napakamot sa ulo ko.. Bakit ba di ko sya magawang ipaglaban man lang?? Ni pag-amin nga di ko magawa e. Pano nalang ang ipaglaban sya..
“Wag kang mag-alala mahal ka nun” kunot noo namang akong napa-lingon kay Troy, seatmate ko..
“Anong mahal?” irita kong tanong..
“Yun!” kinunotan ko sya ng noo. Ano bang pinag-sasasabi neto??. “Yung iniisip mo kako, mahal ka nun kaya wag mong alalahanin!”
Sana nga..
“Galit sya sakin” iritang sabi ko..
“Ha? Ibig sabihin meron nga?? Hala! MGA PARE! BINATA NA SI THEO!!!” at saka sya tumayo..
Agad ko itong hinampas sa likod at hinila paupo. “Gago! Wag ka ngang magulo!!”
“Whoo.. Tae mong gagu ka!! Ikaw ha. Di ka nagsasabi! Tsk..” lumapit ito sa akin at tinusok ang tagiliran ko.. Minsan talaga naiisip ko ding bakla tong lalaking katabi ko e.. Kase tuwing kinukulit ako puro nalang tusok sa tagiliran ang ginagawa nya..
“Tsk.. Wag ka ngang magulo!” at hinampas ko yung kamay syang tumutusok sa tagiliran ko..
“Whioo!? Sino sya pareh?? Maganda ba ha?” at tinusok nanaman nito ang tagiliran ko.. Kelan ba 'to titigil kakalandi gaya ng ginagawa nya ngayon..
“Gago!” at saka ako umayos ng upo.. Buti nalang agad namang dumating yung isa sa mga teacher namin kaya tumigil na ito..
Nakinig nalang ako sa discussion ni ma'am kesa ang makipag gaguhan sa katabi ko..
Kaibigan ko si Troy, pero di kami gaya ng magkaibigan na napaka-close. Yung palaging magkasama sa kalokohan. Ako kase mas nasanay akong mag-isa, hindi naman sa mag-isa. May kaibigan din ako kaso wala sila dito.. Mga gagong yun kase kung ano anong kalokohan ang pinag-gagagawa kaya ayan tuloy pinag-layo layo kaming pito..
At mula nun di na ako nakipag kaibigan pa sa iba.. Hindi naman sa hindi na talaga pero mas gusto ko lang talagang kaming pito ng mga kaibigan ko ang magkaka-sama.. Sila siguro may mga kaibigan ngayon kung saan sila dinala ng parents nila pero ako ayoko..
7 years old kami nung nagka-layo layo kami at 10 years old naman ang pinaka matanda. Si Alex hyung..
Kinapa ko yung notebook na nasa ilalim ng desk ko at kinuha ito. Binuklat ko ito at tinignan yung picture naming magkakasama, kinuhanan ito nung nakaraang taon lang.. At yun nalang uli ang araw na nagkita-kita kami, pagtapos nun balik na uli sila sa ibang bansa.. Nakaka-miss lang yung mga kalokohan nila kaya kulang napang di kami mag-hiwahiwalay nun pero wala e. Napilitan, kase nga kailangan nilang umuwi agad..
BINABASA MO ANG
Words of my heart
Teen FictionBawat isa sa atin ay may kanya kanyang puso. At may kanya kanya itong ninanais at isinisigaw. Ito ay kusang tumitibok at makaramdam ng pagmamahal. Nagkukusa itong mag-mahal dahil gusto at nais ng isang tao, pero paano mo masasabing pagmamahal ang na...