Prologue

845 35 12
                                    


Natasha's POV

"Ineng, magkano ba ang ginastos mo para lamang diyan sa iyong dibdib?"

Napalingon ako sa katabi kong matanda na nasa 60s na, at sa dibdib ko.

Ano bang sinasabi nito ni lola? Ano bang gastos ang sinasabi nya?

"Umm. Ano po 'yun?" alanganin kong tanong. Ang init dito sa bus station. Gahhh. Kanina pa ako naghihintay, nasaan na ba ang susundo sakin? This mission is starting to annoy me.

"Hay nakuu. Ang mga kabataan na nga talaga ngayon." halata sa boses ng matanda na hindi sya sanay mag tagalog. "Kung ako sa iyo, e ipinang-bili ko na lang sana ang aking pera ng pagkain. Kesa sa pagpapa-dagdag ng umbok ng dodo ko."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na napahawak sa dibdib ko. Whattt!??

Does she think na fake itong... Itong ano ko. Dibdib ko? No way! This is pure and natural!

"Ay. Nagkakamali po kayo. H-hindi ko po pinagawa--"

"Huwag ka nang mahiya, ineng. Marami rami na rin akong nakitang mga kabataang babae na malalaki ang dibdib sa pamamalagi ko sa apo ko sa Maynila. Sayang ang pera ninyo." kumuha ng pamaypay si lola na gawa sa dahon na hindi ko alam ang tawag. She gave it to me and I immediately used it. Ang init sobra.

"Pero lola. Hindi po ako nahihiya. Sadyang hindi po peke--"

"Alam kong hindi ka talaga nahihiya, ineng. Damit mo lamang ay alam ko na." napailing ng konti si lola.

I looked down on my clothes. Nakasuot lang naman ako ng dress na fitted at kita ng konti ang chest ko. Hindi naman masyadong showy. Gosh. Mga matatanda talaga. Huli na sa generation.

Pero hindi pa rin ako makapaniwala na napagkamalang fake ang dibdib ko!

"Natasha." napigil ang muntik kong pagprotesta laban sa akusasyong peke ang dibdib ko. Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Mr Alcantara?"

"Good morning Natasha. Pasensya na kung late ako. Tara na?" kinuha nya ang tatlong luggage ko habang ako naman ay kinuha ko ang shoulder bag ko sa upuan sa tabi ko. Lumingon ako kay lola sa kabilang upuan.

"Lola. Mauuna na po ako. Ingat po kayo. Take care. Godbless." kahit na napagkamalan mo pang retokada dede ko -_-. I managed to smile at her. Ngumiti rin naman sya sa akin.

"Mag-iingat ka rin ineng. Huwag kang padalos dalos." nagtaka ako sa sinabi ni lola. "At tama na rin sa kakagastos sa mga pampa-umbok." kumaway sya sa akin gamit ang pamaypay.

Napa face palm na lang ako. Hindi talaga sya maniniwala.

Nagsimula na kaming maglakad. Si Mr Alcantara ang assistant ng father ko. Dad must really think that this mission is very serious for him to send his assistant who's been working for him for 20 years. And I do think it is serious. Pero easy piecey lemon squeezie lang to sakin panigurado.

Huminto rin kami dahil tumigil sa paglalakad si Mr Alcantara. May ibinigay sya sa aking paper bag. Sinilip ko kung ano ang laman 'non.

"What's this po Mister?" tanong ko nang di ko mapagtanto kung ano ang kulay 'dull' brown na tela na nakita at nahawakan ko.

"Change into those clothes." kinuha nya ang shoulder bag ko. "Sige na. Kailangan na natin simulan ang mission agad."

Kumunot ang noo ko at pumasok na lang sa cr.

Nang makapag palit na ako, hindi ko alam kung ano ang unang lalabas sa bibig ko.

JAHAKWUPQIZKW!!!!

WHAT THE HELL!??

I'm wearing an old brown skirt na abot hanggang ilalim ng tuhod ko. At kulay puting plain tshirt. Just wtf?

Dumating na ang kinatatakutan ko!! Ugh. Dahil sa mission kong magpanggap na probinsyana. Ang dami kong kailangang i-sacrifice. Ang school ko, ang environment, all the shopping times with friends are gone too! And now this? This weird freakin'--are these even called "clothes" ? These are more like rugs! Ok, binabawi ko na yung sinabi kong easy lang to. This is not easy, at all

Lumabas ako ng cubicle bitbit ang paper bag na ngayon ay ang mamahaling ZARA dress ko na ang nasa loob. Humarap ako sa salamin na sobrang liit sa harap ng lababo. Habang ang mga tao ay pumapasok at lumalabas sa likod ko. Hindi ko sila pinansin kahit nakatingin sila sa akin.

Kaya mo 'to Tasha.

Kinuha ko ang wipes na kasama sa paper bag at sinimulang tanggalin ang make up sa mukha ko.

This is... UGHHH!!

Ngiting sobrang lapad ang nasa mukha ko nang lumabas ako ng cr at sinalubong ang naka ngiting Mister.

Okay, keep smiling Natasha. Kailangan mong ipakita na hindi ka nahihirapan, at gusto mo itong misyon na ito.

---

Malapit na akong mahimatay pero smile pa rin. Gusto ko nang sumuko pero NO. Kailangan kong malampasan 'to.

I watched Mister as he put my two luggages under his bed. We're at his place right now. Isang bayan ang layo mula sa pagtutuluyan ko. Sabi nya sya daw ang magbabantay sakin pero kailangan nyang dito mag stay sa maliit na bahay, sa kabilang bayan. For safety reasons.

Tinignan ko ang nagiisang luggage ko-yung pinaka maliit sa lahat. And take note, this is a very old luggage. Ito lang ang nag-iisang gamit ko na pwede dalhin sa Barangay Puraka. Sabi ni Mister mabait na daw sya sa lagay na 'to.

Tumingin naman ako sa kabilang side ng kwarto. Kung nasaan ang dalawang travel bag na wala man lang gulong. Yung isa may laman ng mga damit at yung isa wala.

"Itong isang bag na 'to, may mga laman na 'tong damit pang probinsya gaya ng suot mo ngayon. At ito namang isa, dito mo ilalagay lahat ng gamit mo na nanjan sa maletang napili mo. Dapat hindi ka pwedeng magdala ng kahit anong gamit na makakapag sabing galing kang Maynila. Pero dahil mabait alo, papayagan kita."

Narinig ko na naman ang mga words galing kay Mister. Ugh.

Pagkatapos kong mailipat ang mga gamit ko sa bag na binigay sakin, hinatid na ako ni Mister sa panibagong bus station. Di gaya ng nauna, itong station na 'to ay bumabyahe lang daw sa mga malalapit na bayan at hindi pumupunta ng Manila.

Aangal pa sana ako at magpapahatid sa mismong pagtutuluyan ko kaso di naman ako stupid para di maisip na kailangan ko nang magpanggap mula ngayon.

Pumasok ako sa tricycle. Oo tricycle lang. Hindi bus. Nandito lang kasi ang pila ng mga tricycle kaya dito ako sasakay. Why would I hop on the bus when I'm just one bayan away from my destination?

Okay. Everything starts here. My mission starts here.

Goodbye Natasha Seville.

Welcome Tasyang Macalintal.

---

23 April 2018

Thank you for reading! Please vote if you like the prologue ^_^

Comments are highly recommended -- este appreciated hahaha <3

Miss A.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon