Happy Mother's Day! Greet your mum and tell them you love them. Make sure! *wink wink*
[13/05/18]Miss A.
Natasha's POV
Lumipas ang oras at di ako makapaniwalang isang buwan na ako dito sa Barangay Puraka. Mabilis ang mga pangyayari. Nagkaroon ako ng apat na kaibigan (kung kaibigan nga rin ba ang tingin sa akin ni Oyang ay hindi ko alam pero sa tingin ko ay unti unti nang natutupad yun, ang unang step sa mission kong ito).
Sa isang buwan ko rin na pag-stay dito ay natuto akong sumayaw ng singkil (well, sort of), natuto rin ako kung pano mamuhay sa isang hindi kayamanan na siyudad. I don't know but I'm scared to admit that I'm starting to get used to everything, to my everyday life here in Bicol. I don't want to get too used to everything that when I have to leave, I wouldn't be able to.
September 1, lunes ngayon at walang pasok dahil may meeting ang mga teachers. Wala rin kaming rehearsals. Pahinga muna daw tutal ay may meeting sila sir. Dati kasi kahit sabado at linggo ay may rehearsals kami. Mula ngayon ay isang linggo na lang at quarterly exams na. At dalawang linggo na lang at darating na ang Linggo ng Kasuotang Filipino.
Kaya naman ay minabuti kong ibuhos ang buong araw na 'to sa mission ko.
Tumigil kami ni Oyang sa isang lumang bahay. Mababa ang bakod at tanggal tanggal na rin ang mga piraso sa bawat kahoy nito. Sa kaliwa ng maliit na bahay ay may puno ng- I think- mangga. May duyan na nakasabit dito.
"Ito.. Ang bahay ninyo dati?" manghang tanong ko kay Oyang na nasa tabi ko at nakatitig rin sa bahay.
Narito kami sa lumang bahay ng pamilya Ambrocio. Ang ginawa kong rason kina ante Tuya ay gusto ko maglibot at mahilig ako sa mga lumang kung ano ano gaya ng lumang playground. Lumang paaralan. Lumang bahay. Kaya naman naisip ni ante Tuya na dalhin ako dito ni Oyang. And that's what I wanted, na madala ako dito. Kailangan ko mag-imbestiga without them knowing.
Pumasok kami sa loob. Maalikabok na nga ito. Maliit ang sala sa bandang kaliwa at may mga takip ng transparent pero makapal na plastic ang bawat furniture. Across the room, sa tapat ng front door na pinasukan namin ay isa pang room, wala itong pinto at mga pasabit lang ang pantakip pero dahil sa nakatali ito sa isang tabi ay kita ko ng konti mula sa kinatatayuan ko ang mesa. I think dining room nila yun.
"Oyang. Saan ang kwarto mo?"
Imbis na pumunta kami sa dining room nila ay pinakita nya sa akin ang pinto sa bandang kanan, binuksan nya yun at pina una akong pumasok.
Namangha ako dahil kahit maalikbok na ay kita pa rin ang pagiging organise nya. Lahat ay naka balot rin sa plastic gaya nung mga furniture na nasa sala. Except sa kama nya. Walang balot yun at nakakapagtaka dahil hindi rin gaanong maalikabok.
"Madalas akong tumambay dito sa kwarto ko kaya walang balot ang kama ko." kinuha ni Oyang ang kumot na nakapatong sa buong kama at tinabi yun. Napa ubo pa kami ng konti dahil sa alikabok.
Umupo si Oyang at tumabi naman ako sakanya.
Dug dug dug dug dug
Eto na naman ang puso ko. Simula last week, nakakaramdam ako sa twing kasama ko sya na bumibilis ang tibok ng puso ko. Lalo na kapag ganito kami kalapit.
Mabilis akong napatayo at parang nagpapanic na inayos ang buhok ko while pretending na nagtitingin tingin lang ako.
I'm not stupid, so I know na unti unti akong nagkakaroon ng feelings kay Oyang. But I AM stupid to let it get the best of me.
BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Ficțiune adolescențiTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...