Kabanata 22. Words Of My Heart

287 16 0
                                    


Natasha's POV

"Tasyangg, huminahon ka nga."

"Huminahon, Mutya? Alam mo ba ang ibig sabihin nyan? Jusko. Kelan ko pa sinabihan si Lino na ilista ako sa singing contest?" napahawak ako sa noo ko na pinagpapawisan. Habang yung isa kong kamay ay nasa bewang ko.

Naiinis talaga ako. At nung sinabi kong ayaw ko sumali ay nagalit pa ang music teacher, sabi daw ay ayaw nya sa lahat ay yung last minute backout. Napagalitan pa ako.

Di na bumalik si Lino after he said na magc-cr daw sya. Mabuti naman. Just stay there Lino dahil baka masabunutan kita.

"Kuya Oyang! Hay mabuti naman at nakita kita!"

Tapos may dumagdag pa sa sakit ng ulo ko. What a day.

Umirap ako sa kawalan at nag martsa papunta sa kung saan gaganapin ang singing contest. Umupo ako ng padabog sa mono-block na chair kung saan nakasulat ang pangalan ko.

Tasyang Macalintal, #15

Great. Last contestant pa ko.

...

Mutya's POV

Agad kong sinundan si Tasyang. Mukhang na-badtrip nga yata talaga kay Lino. Sira ulo kasi talaga ang hype na yun e. Kung ano ano ang kalokohan. Sarap ikulong sa kabaong.

Umupo ako sa pinaka likuran. Tanaw ko rito si Tasyang na parang nasa kabilang mundo. Umupo naman sa tabi ko si Mimay at tumabi si Oyang sa kanan ko. Pero napa-irap ako nung lumipat si Mimay sa tabi ni Oyang.

Isa pa 'tong isang to. Sarap buhusan ng mainit na mantika, tignan natin kung hindi ma-tutong ang espasol nyang mukha. Epal sa buhay ni Tasyang at Oyang.

Maya maya pa ay nag-umpisa na ang contest. Dumating na rin ang ugok, aba't tumabi pa sakin. Di ko na lang pinansin. Kapal ng talampakan nito eh.

Contestant number 7 na at talaga tinakpan ko ang tenga ko.

"Bat ba sumali pa 'tong isang 'to, boses kabayo lang naman" inis na sabi ko.

Maraming nagtinginan sakin pero wala akong pakialam. Opinyon ko yun eh. Bakit sila ba nagpapalamon sakin.

"...contestant number 15, Tasyang Macalintal!"

Tumayo ako at sumigaw,

"Wooohh!!"

Nagulat ako dahil hindi lang ako ang mga nagchi-cheer kundi marami rami rin. Halos lahat lalaki. Mga admirers ni Tasyang, jusko ang su-supportive.

Nilagay na ni Tasyang yung mic sa stand at tumikhim. Nagsimula na rin ang tugtog. Waaah nae-excite ako!

Tumahimik ang lahat,

"Di mapalagay ang puso ko"

[Song: "Words Of My Heart" tagalog version cover by Marianne Topacio]

Wow.. Parang lullaby ang boses ni Tasyang. Ito yung mga tipong boses na masarap pakinggan bago matulog. Di ko akalain na maganda pala talaga ang boses ni Tasyang!!! Parang nagpapasalamat na ako ngayon sa ugok dahil ipinalista nya si Tasyang,

Maraming mga nakikinig at nakatitig kay Tasyang, walang umimiimik. Tulala lang ang lahat. Napaka-ganda ng tinig na naririnig naming lahat ngayon. Panigurado na, panalo na si Tasyang.

Pero sa sahig lang sa nakatingin.

"Nais sabihin na.. Nais tawagin ka"

Lumingon ako sa kanan, kay Oyang. Titig na titig sya kay Tasyang. Na para bang wala na syang ibang nakikita kundi si Tasyang lang. Sya lang at walang iba. Napangiti ako.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon