Mutya's POVBwiset talaga ang sira ulong Lino na 'to.
"Hoy! Kala mo naman talaga magpapagamit ako sa'yo. Assumero!" asar na sabi ko kay Lino nung maabutan ko. Napaka-bilis maglakad kala mong tumatakbo sa bilis.
"Ikaw ang asyumera! Kala mo namang papayag ako!"
"Tss. Kapal ng mukha." nasabi ko na lang
"Kapal ng noo." bawi nya
Napa hawak ako sa noo ko. Palagi nya akong sinasabihan na paliparan daw ang noo ko pero hindi naman. Wala lang maasar kaya umimbento na lang ng iba. Bwiset.
"Hahaha."
Napatigil ako nung marinig ang tawa nya. Ako ang kasama nya ngayon, edi ako ang may dahilan kung bakit sya tumatawa?
Lino, ako na lang kasi..
...
Lino's POV
"Ikaw ang asyumera! Kala mo namang papayag ako!" sigaw ko pabalik kay Mutya.
Nasaktan ako, pero di ko kayang manggamit, Mutya.
"Tss. Kapal ng mukha." inis na sabi nya sakin.
"Kapal ng noo." asar ko na lang para hindi sya maging okward sa akin.
Napahawak sya sa noo nya na parang nagtataka. Kaya natawa na lang ako.
Inakbayan ko sya at hinedlak.
[A/N: headlock po yung ibig sabihin ni Lino wahaha]
"Ano ba! Bwiset kang matang linaw ka" inis na nagpumiglas si Mutya kaya pinakawalan ko na. Ginulo ko ang buhok nya.
nagpapasalamat ako kay Mutya dahil lagi syang nandyan sa twing nasasaktan ako at naba-busted.
Pero pasensya na Mutya..
Hindi ko deserve ang pagmamahal mo.
Wag na lang ako.
...
Natasha's POV
"Salamat po." kinuha ko na yung two pages of my essay nung ma-print na.
Ngumiti lang naman yung babae tapos inabot na rin yung na-print na essay ni Oyang sakanya. Napansin ko naman yung mga babaeng estudyante na sa school din nag-aaral. Pero mukhang mga juniors lang sila.
They look like they're blushing. What the hell?
Inis kong hinila si Oyang palabas sa comshop pagkatapos na pagkatapos nyang magbayad.
"okay ka lang ba? Gusto mo na makauwi? Teka." lumingon si Oyang sa kaliwa't kanan ng kalsada "maghintay lang tayo ng ilang minuto, may tricycle na dadaan maya maya lang."
Tricycle?
My phone vibrated.
From: Mr. Alcantara
This is the time where you do your job.Napa-kunot ang noo ko at tumingin sa palagid. Mister is here, and he's watching me?
I sighed.
"Oyang! Wag na maglakad na lang tayo." ngumiti ako sakanya "wala naman na akong sakit. Okay na okay ako no. Oh." umikot ako para ipakitang okay ako. I just laughed at my stupidity.
BINABASA MO ANG
Mission: Act Like a Probinsyana
Teen FictionTasha, who has been trained to be the successor of her dad, a high profile secret agent, was sent to the province of Camarines Sur for an important mission to prove that she's ready to enter the work force. Her mission: act like a PROBINSYANA in ord...