Kabanata 38. Nakakapagod

268 11 2
                                    

(MISS A: please play the song over and over kung okay lang hehe)

N/P: Say Something
By A Great Big World & Christina Aguilera

Natasha's POV

9:33pm
From: Mutchacha
Besh, Windy's Bar and Resto.
I need you

Napakunot ang noo ka sa text ni Mutya. Una she never called me besh or whatsoever as an endearment, mostly expression nya lang. Pangalawa, ang text nya parang kakaiba. Pangatlo, bakit sya nasa barrrr??

To: Mutchacha
Hintayin mo ako.

Tinext ko rin si Sarang.

To: Sarang
Nasa bar daw si Mutya. Pinapapunta ako. Sunod ka after an hour. Okay lang?

Dali dali akong nagpalit ng damit. I changed into black pants and jumper.

Anong ginagawa nya at nasa bar sya ng ganitong oras? Sabado pa naman ngayon at maraming mga nasa bar panigurado. Jusko talagaaaa.

Pagkatapos kong magbihis ay tumakbo na ako palabas ng bahay nung tumawag si Sarang. Sinagot ko yun nung binuksan ko yung pinto ng bahay ko.

"Hello"

["Tasyang anong nangyari?"] sagot nya sa kabilang linya.

"Di ko nga rin alam eh. Wala syang ibang sinabi kundi 'I need you' at yung pangalan ng bar"

["Nako. Delikadong delikado na. Anong oras na ng gabi oh. Ano bang iniisip nun. Tsk"]

Nilock ko yung bahay at nagsimula ng maglakad papunta sa gate.

"Di ko nga alam e. Hay. Sige na pupuntahan ko na si Mutya."

["Sige sige. Susunod ako. After an hour ba?"]

"Kung okay lang sana?"

Napatigil ako nung makitang nakaharang sa gate si Oyang.

["Okay lang. Magiingat ka."]

"Sige salamat."

Pinatay ko na yung tawag at hinarap si Oyang.

"San ka pupunta?" seryosong tanong ni Oyang. May hawak syang martilyo at makalawang din ang kamay nya. Parang may ginagawa sya.

"Pupuntahan ko lang si Mutya."

"No."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. What? No? Hindi pwede! Kailangan kong puntahan si Mutya!

"No hindi pwede. Kailangan ako ni Mutya, Oyang."

"Saan? Sa bar?"

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Narinig nya yun?

"No. Gabing gabi na"

"Pero Oyang naghihintay si Mutya."

Tinitigan nya lang ako at di sumagot. If he's worried about me getting into trouble, he shouldn't be. I trained well para sa self defence and everything. But I can't tell him that.

He sighed, "fine"

Nanliwanag namang ang mga mata ko.

"But I'm coming".

"What? Di pwede! Girls' talk!"

"Ihahatid lang kita." Sabi ni Oyang at bumalik sa may poso kung saan may inaayos sya. Naghugas sya ng kamay at pumasok sa bahay nila. Maya maya pa ay lumabas na sya at naka jeans and jumper na rin gaya ko. But he's wearing black and I'm wearing white jumper.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon